1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang (2) personalidad sa ikinasang drug buy-bust operation ng pulis Calauan ngayong umaga ng Desyembre 3, 2023.

Kinilala ni Police Colonel HAROLD P DEPOSITAR, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na si Alyas Michael residente ng Santa Cruz, Laguna at Alyas Jay-Ar residente ng Victoria, Laguna.

Ayon sa ulat ni PLTCOL PHILIP T AGUILAR, Hepe ng Calauan Municipal Police Station, nagkasa ang kanilang Drug Enforcement Unit (DEU) ng drugs buy-bust operation sa ganap na 1:50 ng umaga Desyembre 3, 2023 sa Brgy. Dayap, Calauan, Laguna, na nagresulta sa pagkakaaresto ni Alyas Michael at Alyas Jay-Ar matapos magbenta ng hinihinalang iligal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang anim (6) na pirasong plastic sachet ng hinihinalang iligal na droga na may timbang na aabot sa 2.2 gramo na nagkakahalaga ng humigit kumulang PhP14,960.00 at isang pouch. Narekober din sa mga suspek ang limandaang piso (PhP500.00) na buy-bust money..

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calauan MPS ang mga arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.” Samantala, ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Provincial Forensic Unit (PFU) para sa forensic examination.

Sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Ang mga impormasyong ibinibigay ng ating mamamayan ang isang malaking susi sa pagkaka-aresto ng mga taong sangkot sa ilegal na droga. Ang inyong pakikipagtulungan ay tungo sa kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng buong Lalawigan ng Laguna.” #gtgtalampas #Edjun Mariposque

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



December 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending