1–2 minutes

Camp Mgen Licerio I Geronimo Taytay, Rizal- Timbog ang isang construction worker sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ng Antipolo Component City Police Station (CCPS) dakong 9:03 ng gabi Disyembre 2 taong kasalukuyan sa Gen. Luna Brgy. Dela Paz Antipolo, City. Ang nahuling suspek ay kinilalang si Alyas Mack, 27-taong gulang at nakatira sa Brgy. Dela Paz Antipolo, City.

Ayon sa ulat, naaktuhan ito sa pagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may halagang 500 pesos sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer. Narekober at nakumpiska din mula sa suspek ang mga sumusunod na ebidensiya:

8 piraso ng pakete na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang SHABU na may timbang na humigit kumulang 37 gramo at nagkakahalaga ng PHP 255,300.00; 1 unit ng Nokia cellular phone, 1 pirasong pouch at; 1 pirasong weighing scale

Nahaharap ngayon sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o R.A 9165 ang suspek ay kasalukuyang nakapiit sa Antipolo Custodial Facility para sa proseso ng pagsasampa ng kaso.

Binigyang diin ni PCOL FELIPE MARAGGUN, Provincial Director na ang kapulisan ng Rizal ay patuloy na lalabanan at hindi titigil sa pagsugpo ng mga mga ilegal na droga. Sinisiguro ng Rizal PNP na ang mga mamayan at probinsya ng Rizal ay ligtas mula sa mga ilegal na aktibidad, illegal drugs at kriminalidad. #RIZALPPOPIO #Edjun Mariposque




Contact #: 09171180238



December 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending