1–2 minutes

MARIIN nating kinokondena ang pagpapasabog na ginawa sa loob ng gymnasium ng paaralan ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City, habang nagdaraos ng isang misa, na nagdulot ng pagkasawi ng apat na katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

Walang puwang ang ganitong uri ng karahasan sa ating lipunan. Ito ay isang malinaw na gawa ng terorismo at hindi tayo dapat tumigil hanggang sa mapanagot ang may akda nito.

Hinihiling ko sa PNP, AFP, NBI at iba pang mga law enforcement agency na magtulungan upang makarating sa puno’t dulo nito at agad na mabigyang hustisya ang karumal-dumal na karahasang ito.

Kami po sa Senado ay nakahandang ibigay lahat ng kinakailangang tulong hindi lamang sa mga ahensya na magpapanatili ng kapayapaan, kundi maging sa mga pamilya ng mga naging biktima sa pangyayaring ito.

Umaapela po tayo sa ating mga kapatid na Muslim at mga Kristiyano sa Mindanao na panatilihin ang hinahon at kapayapaan upang maiwasan ang paglala pa ng sitwasyon sa rehiyon.

Taus-pusong pakikiramay po sa mga naulila ng mga nasawi sa nasabing trahedya sa MSU. #Edjun Mariposque




Contact #: 09171180238



December 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending