1–2 minutes

𝗗𝗲𝗰𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟭-𝟭𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟯. Upang masiguro na ligtas at payapa ang pagdiriwang ng nalalapit na Kapaskuhan, patuloy ang paghahain ang Quezon Pulis ng masinsinang anti-illegal drug operations, kaya naman, 𝘀𝗶𝘆𝗮𝗺 (𝟵) 𝗻𝗮 𝗱𝗿𝘂𝗴 𝘀𝘂𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁𝘀 ang nasakote sa anim (6) na inilatag na magkakasabay at sanib-pwersang drug buy-bust operations na may kabuuang datos na nakumpiskang shabu sa kanila ang halagang street value na 𝗣𝗵𝗽 𝟵𝟭𝟱,𝟱𝟳𝟲.𝟬𝟬 at timbang na 𝟰𝟰.𝟮𝟵 𝗴𝗿𝗮𝗺𝗼.

Kinilala ni 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿, 𝗣𝗖𝗢𝗟 𝗟𝗘𝗗𝗢𝗡 𝗗 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗘 ang mga nadakip na drug suspects kung saan isa sa naaresto ay kabilang sa High- Value Individual (HVI) na si @ Erick/Bingot at lima (5) pang personalidad na nakatalang Street Level Individual at Newly Identified Suspects naman sina @Anthony/Nads, @Mike, @Jonathan, @Arvin, @Wilson/Utay, @Romy, @Mark, at @Boke na naaresto sa bayan ng Lucena City, Jomalig, Patnanungan, Pagbilao, Infanta, at Real, Quezon.

Sa kasalukuyan sila ay nasa kustodiya ng mga responsableng Police Stations Custodial Facility upang sumailalim sa dokumentasyon at proseso batay sa kanilang kasong kakaharaping paglabag sa Sections 5 and 11, Article 2 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Pinupuri ni PD Monte ang bawat kapulisang tumatalima sa tuwirang direktiba na nakahaing mga kampanya kontra ilegal na droga sa buong lalawigan. Aniya “Naghahain tayo ng mga Anti-Illegal Drug Operations hinggil sa ating sentralisadong pagsupil ng ilegalidad sa buong probinsya. Makakaasa kayong ang Quezon Pulis ay patuloy na magiging katuwang niyo na nagpapatupad ng just and transparent law enforcement.” #Edjun Mariposque

𝗦𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲: 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗡𝗣-𝗣𝗜𝗢

#SerbisyongNagkakaisa




Contact #: 09171180238



December 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending