2–3 minutes

Nagsagawa ang Camp Vicente Lim Press Corps ng libreng Medical at Dental Mission nitong ika-15 ng Disyembre, 2023, na idinaos sa Camp Vicente Lim covered court, na may temang, “Maayos na Kalusugan, Ngayong Kapaskuhan.

Lubos ang pasasalamat ng Pangulong ng CVLPC Daniel Castro, sa lahat ng nagtulong-tulong upang matagumpay na maisakatuparan ang nasabing aktibidad.

Aniya, “Mula sa pagpaplano hanggang sa pagpapatupad ng proyekto, buong suporta ang ibinigay ng mga opisyal at lahat ng miyembro ng CVLPC.”

Nagpasalamat din siya sa pamunuan ng Police Regional Office 4-A sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN Paul Kenneth T. Lucas sa pagboayah na ganapin ito sa covered court ng Camp Vicente Lim. Gayun din kay PRO4A RPIO Chief PLTCOL Chitadel Gauiran at sa lahat ng major partners, ang Philippine Red Cross Laguna Chapter, Lingap Leads Foundation, Tooth Family, 402ndA MC RMFB 4A, RMDU 4A, RPCADU 4A, at sa lahat ng mga supporters na buong tiwalang nagbigay ng tulong para maisakatuparan ang proyektong ito.

Sa mensahe naman ni PBGen. Lucas na inihatid ni PLTCOL Gaoiran, lubos ang pasasalamat nito sa lahat ng bumubuo ng Camp Vicente Lim Press Corps, sa inisyatibong makatulong sa mga tao sa pamamagitan ng libreng medical at dental services. Aniya “Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga taong nagtulong tulong at nagsumikap upang maisakatuparan ang medical at dental mission program dito sa Camp BGen Vicente P Lim. Ang inyong pagdalo ay nagpapakita, lamang na ang miyembro ng media at ang kapulisan ay may mabuting ugnayan hindi lamang sa pagsugpo ng kriminalidad kundi maging sa adhikaing makatulong sa ating mga mamamayan.

“Ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ay ang isa sa pinakamagandang regalo na ating natanggap sa taong ito. Kaya tunay na “Health is Wealth!”.
“Aking hiling sa inyo na patuloy nating suportahan ang mga programa at adbokasiya ng Philippine National Police. Dahil ang pagkamit ng kapayapaan at kaayusan ay hindi lamang nakasalalay sa amin, kailangan namin ang inyong suporta upang mapanatili ang katahimikan sa ating pamayanan. Magkapit bisig tayo tungo sa kapayapaan at pag unlad ng ating minamahal na bansa.” Ayon kay PBGen Lucas

Makakaasa ang taong bayan, na ang Police Regional Office 4A at ang Camp Vicente Lim Press Corps ay handang maglingkod at sumuporta sa ikabubuti ng mga mamamayan hindi lamang ng Brgy Mayapa, kundi sa buong nasasakupan ng CALABARZON. Kayo po ang dahilan kung bakit lalo pa namin pinagbubuti ang aming serbisyo publiko katuwang ang ibat-ibang sektor sa lipunan. (Joel Cabactulan) #Edjun Mariposque




Contact #: 09171180238



December 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending