1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Most Wanted Person Regional Level sa ikinasang manhunt operation ng Pulis Biñan noong Disyembre 18, 2023.

Kinilala ni POLICE COLONEL HAROLD P DEPOSITAR, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alyas Henry na residente ng Bay, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL JONATHAN ROBERT C RONGAVILLA, hepe ng Biñan Component City Police Station nagkasa ang kanilang operatiba ng manhunt operation kahapon dakong na 2:50 ng hapon Disyembre 18, 2023 sa Brgy. Bulihan, Silang, Cavite
Ikinasa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 154, Binan City na nilagdaan ni Hon. Judge Dennis Jusi Rafa Presiding Judge na nag resulta sa pagkakaresto ni alyas Henry na nahaharap sa kasong Murder na walang piyansang nirerekomenda.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CCPS ang arestadong akusado. Agad namang inimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto nito.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Ngayong papalapit na ang Pasko, paiigtingin pa ng Laguna PNP ang mga operasyon laban sa mga nagtatago sa batas. Nagpapatuloy din ang operasyon laban sa kriminalidad upang matiyak na maayos at ligtas ang pagdaraos ng araw ng Pasko ng ating mga mamamayan”. #gtgtalampas #Edjun Mariposque


#SerbisyongTamaAtNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



December 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending