1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Most Wanted Person Provincial Level sa ikinasang manhunt operation ng Pulis Sta. Maria noong Disyembre 19, 2023.

Kinilala ni POLICE COLONEL HAROLD P DEPOSITAR, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alyas Maribel 34 taong gulang na residente ng Calauan, Laguna.

Sa ulat ni PMAJ EVIENER A BOISER, hepe ng Sta. Maria Municipal Police Station nagkasa ang kapulisan ng manhunt operation dakong 4:30 ng hapon noong Disyembre 19, 2023 sa Brgy. Balian, Pangil, Laguna na nagresulta sa pagka aresto ng akusado.

Base sa warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 33, Siniloan, Laguna na nilagdaan ni Hon. Gregorio L Vega, Presiding Judge na may petsang Hulyo 20, 2011 ay nahaharap ang akusado sa kasong RA 7610 (Rape) na walang piyansang nirekomenda.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Maria Municipal Police Station. Agad namang inimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto nito.

Ayon sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Kahit gano pa kayo katagal magtago sa batas di nyo matatakasan ito. Patuloy ang pagtugis ng Laguna PNP sa mga wanted persons upang panagutin at bigyan hustisya ang mga naging biktima.”. #gtgtalampas #Edjun Mariposque


#SerbisyongTamaAtNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



December 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending