1–2 minutes

Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang isang High Value Individual (HVI) at nakumpiska sa kanya ang 60 gramo ng shabu sa isinagawang drug buy-bust operation ng Sta Cruz PNP kahapon Disyembre 20, 2023.

Kinilala ni POLICE COLONEL HAROLD P DEPOSITAR, Acting Provincial Director ng Laguna PPO, ang suspek na si alyas Ryan residente ng Santa Cruz, Laguna.

Ayon sa ulat ni PMAJ LAURENCE C ABOAC, hepe ng Sta Cruz Municipal Police Station nagkasa sila ng drug buy-bust operation kahapon sa ganap na 9:00 ng gabi Disyembre 20, 2023 sa Brgy. Santisima Cruz, Sta Cruz, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto ni alyas Ryan matapos magbenta ng hinihinalang iligal na shabu sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa suspek ang mga siyam (9) na pirasong plastic sachet ng hinihinalang iligal na shabu na may timbang na aabot sa 60 gramo at nagkakahalaga ng humigit kumulang PhP408,000.00, isang pouch at narekober din sa suspek ang ginamit na buy-bust money.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta Cruz MPS ang arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.” Gayun din, ang mga kumpiskadong ebidensya ay isinumiti sa Provincial Forensic Unit (PFU) para sa forensic examination.

Sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Ang mga impormasyong ibinibigay ng ating mamamayan ang isang malaking susi sa pagkaka-aresto ng mga taong sangkot sa ilegal na droga. Ang inyong pakikipagtulungan ay tungo sa kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng buong Lalawigan ng Laguna.” #gtgtalampas #Edjun Mariposque


#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



December 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending