1–2 minutes

Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang isang personalidad sa isinagawang drug buy-bust operation ng Pulis Biñan kahapon Disyembre 21, 2023.

Kinilala ni POLICE COLONEL HAROLD P DEPOSITAR, Acting Provincial Director ng Laguna PPO, ang suspek na si alyas Angel na residente ng Biñan City, Laguna.

Sa ulat ni JONATHAN ROBERT C RONGAVILLA, hepe ng Biñan Component City Police Station nagsagawa ang kanilang operatiba ng drug buy-bust operation dakong 1:25 ng umaga Disyembre 21, taong kasalukuyan sa Brgy. Poblacion, Biñan City, Laguna na nagresulta sa pagkakaaresto ng naturang suspek matapos magbenta ng hinihinalang iligal na droga sa police na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa suspek ang anim (6) na pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang iligal na droga na may timbang na aabot sa 15 gramo na nagkakahalagang humigit kumulang PhP103,500.00 at isang coin purse, habang narekober din sa suspek ang PhP 1,000.00 bill na ginamit na buy-bust money at PhP 600.00 na pinaghinihinalaang drug money.

Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CCPS ang arestadong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.” Isusumiti naman ang mga kumpiskadong ebidensya sa Regional Forensic Unit (RFU) Office 4A-CALABARZON, Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna, para sa forensic examination.

Sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Sa tulong ng mga impormasyon na ibinibigay ng ating mamamayan ay mabilis naaaresto ng awtoridad ang mga drug personalities. Ito ay isang patunay na kapag ang kapulisan at mamamayan ay nagtulungan sigurado ang kapayapaan”. #gtgtalampas #Edjun Mariposque


#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



December 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending