by: Bong Rivera

1–2 minutes

LAGUNA-PINAGBABARIL hanggang sa mamatay ang isang OIC Barangay Chairman habang umiinum ng kape sa balkonahe ng kanilang bahay kaninang madaling araw (Jan.19,2024) sa may bahagi ng Block 52, Lot 8, Asia 2, Brgy. Canlubang, Calamba City.

Kinilala ang biktima na si Canlubang OIC Chairman Mario Jun Castillo Cogay, 65 anyos residente ng nabanggit na lugar.

Base sa report na ipinadala kay Laguna PD PCOL Harold Depositar, dakong 5:30 ng madaling habang nagkakape ang barangay kapitan ng biglang pumasok sa gate ng bahay ang mga suspek at walang habas na pinaputukan ang biktima gamit ang maigsing baril.

Narinig ng kinakasama ng biktima na si Dionisia Carida Rodriguez, 63 anyos ang maraming putok ng baril kaya mabilis itong nagtungo sa terrese ng kanilang bahay at nakita nito ang nakahadusay na duguang katawan ng kalive-in partner, nakita umano ng ginang ang mabilis na pagtakas ng dalawang suspek na nakasuot ng kulay itim na jacket, maong na pantalon at kulay silver na helmet (driver ng motor), at ang backride ay nakasuot ng itim na helmet.

Nagawa pang madala ang biktima sa Global Hospital of Canlubang subalit idineklarang dead on arrival na ito ni Dra. Carmela Conillas.

Agad namang nagkasa ang Calamba PNP ng Dragnet at followup operation sa posibleng madakip at makilala ang mga tumakas na salarin patungo ng Asia 1, at nire-review na din ng mga pulis ang mga CCTV sa mga lugar na dinaanan ng mga suspek sa pagtakas.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang tunay na motibo ng pamamaslang sa chairman, at magsasagawa ng awtopsiya sa bangkay ng biktima.




Contact #: 09171180238



January 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending