ni: Pau Dela Cruz

1–2 minutes
Countdown sa pagpapailaw ng mga poste sa Tanay, Rizal

Pinakikinabangan na ng mga mamamayan ng Tanay, Rizal pati nang mga turista na dumadayo sa Upland area ng naturang bayan ang mga Street Lights na inilunsad nitong nakaraang buwan ng Disyembre .

Ang 45 na poste ng ilaw na may liwanag na 51 watts bawat bumbilya ay itinayo sa 1.5 kilometrong haba ng kalsada mula Sitio Bayucan hanggang Sitio Sibana. ng Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal

Ito ay pinondohan ng halagang dalawang milyon at dalawampu’t anim na libong piso (P2,026, 000) ng Pamahalaang Bayan ng Tanay sa pamamahala ni Mayor Lito Tanjuatco. Naging prioridad na proyekto ito ng komite ni Vice Mayor Rex Manuel Tanjuatco at sinusugan nina Konsehal Allan Sacramento at Konsehal Bong Ocampo. Ang pagtatayo ng mga poste ng ilaw. ay matiyagang tinutukan naman ni Engineer Cyrill Tongohan.

Ang proyektong ito ang pinakamahabang
pailaw na ginawa at pinondohan ng pamahalaang bayan ayon kay Mayor Lito Tanjuatco.

Masaya namang nagpahayag ng mensahe si Vice Mayor RM Tanjuatco na magiging ligtas at magkikita na ang mga magkasalubungang motorista na dumadaan sa kahabaan ng dati ay madilim na bahagi ng kalsadang JP Rizal – Sampaloc Road.

Ang dating madilim na bahagi ng kalsadang ito ay madalas nagkakaroon ng aksidente o sakuna kung kaya naman laking pasasalamat ng mga residente ng Barangay Sampaloc sa paglalagay ng mga street lights.

Ang pasimulang pagpapailaw ay sinaksihan ng mga residente ng Sitio Bayucan at Sitio Sibana,
nina Kapitan Michael Mago kasama ang kanyang mga kagawad, at ang Sangguniang Kabataan.

Dumalo rin ang mga Pangulo ng ilang Sitio at Purok, gayundin ang mga Pangulo at pamunuan ng Homeowners.




Contact #: 09171180238



January 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending