ni: Pau Dela Cruz

2–3 minutes

.

Nakatanggap ng paunang tulong na kagamitan sa Welding shop, Carwash shop at Coffee Shop Package ang anim (6) na dating miyembro ng Komunistang Teroristang Grupo”

Noong ika-19 ng Enero, taong kasalukuyan, pinangasiwaan ng 404thA Maneuver Company, RMFB4A sa pamumuno ni PCPT ERIC PAUL M MERCENE sa ilalim ng pamamahala ni PLTCOL AGOSTO M ASUNCION, Acting Force Commander ng RMFB4A ang pamamahagi ng mga livelihood package para sa anim (6) na dati ring miyembro ng makakaliwang grupo sa 404thAMC HQ, Sitio Cabading, Barangay San Jose, Antipolo, Rizal. Sa araw din iyon pinangasiwaan din ng 404th AMC ang pagsuko ng isang dating miyembro ng komunistang teroristang grupo.

Ang mga kagamitang naipamahagi ay para makapagsimula sila ng panibagong buhay ang mga personalidad. Ang mga gamit ay dala ng Department of Labor and Employment – Rizal, sa pangunguna ni Ms. Victoria B. Natanauan, sa tulong ng mga miyembro ng Good Neigbors International Branch Inc. Philippines sa pangunguna ni Mr. Humabon N Marollano. Ang naturang mga kagamitan ay magagamit sa coffee shop , welding shop at carwash shop business kasama na rin ang mga raw materials nito.

Nagkaroon rin ng kaunting pagpapaliwanag, pagbibigay kaalaman sa tamang paggamit ng mga kasangkapan at kung papaano mapaunlad ang kanilang mga kakayahan sa paggamit at pamamahala nitong livelihood na ipinagkaloob sa kanila

Naging bahagi rin ng programa ang pagsuko ng isang (1) dating miyembro rin ng CTG, na nakatanggap rin ng mga tulong pinansyal, bigas at grocery items mula naman sa mga miyembro advisory council, sa pangunguna ni Ms. Virgie Arenas at Engr. Lhen Gojar, kasama ang mga miyembro ng SINAG ELITE LADY EAGLES Club.

Mariin rin nilang isinilaysay ang kanilang kagustuhang tuluyang sugpuin ang terorismo sa bansa. Nagpahayag din sila nang kanilang patuloy na pagsuporta sa mga programa ng 404thA Maneuver Company upang makamtan ang pangarap na kapayapaan.

Sa pagtatapos ng programa ay taus pusong nagpasalamat ang mga dating miyembro ng makakaliwang grupo sa kanilang mga natanggap na tulong mula sa kapulisan, ahensya ng pamahalaan, pribadong grupo at mga indibidwal na nagtulong-tulong upang suportahan ang kanilang adhikain na bumalik sa pamahalaan.

Isang matibay na patotoo ito na dahil sa pagtutulungan, ay hindi malayong makamtan ng ating bansa ang tunay na kapayapaan at sugpuin ang terorismo sa bayan!




Contact #: 09171180238



January 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending