ni: Joel Cabactulan

1–2 minutes

Pormal nang na institutionalized ang programang pagbibigay tulong pinansiyal para sa isang libong (1,000) Iskolar ni Rizal program noong January 17, 2024 sa Central 1.

Sa mensahe ni Mayor Roseller H. Rizal, makakatanggap ang bawat estudyante ng 5,000 kada semester at aabot sa 40,000 ang matatanggap sa loob ng apat na taon. Hinikayat niya ang mga iskolar na mag aral ng mabuti upang makatapos sa kanilang pag aaral.

Plano din ni Mayor Rizal na madagdagan taun-taon ang mga iskolar upang mabigyan din ng pagkakatapn ang ibang kabataang Calambeño na makatanggap ng Iskolar ni Rizal program. “Sa ngayon ay 1,000 kabataan ang ating nabigyan ng scholarship at magdadagdag tayo kada taon”. wika ni Rizal.

Masayang ibinalita din nito ang isa pang programang AgriSkolar ni Rizal kung saan mabibigyan ng cash assistance ang bawat estudyanteng kukuha ng kursong Agriculture.

“Layon po ng programang ito na mapalakas ang agrikultura ng ating lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga mag-aaral na gaya nila na magpapakadalubhasa sa larangan ng agrikultura kung saan sa mga taon ng pag-aaral nila sa kolehiyo ay tatanggap ng Educational Assistance.” wika ni Rizal.

Dagdag pa niya, “Sa ngalan po ng bawat Calambeño, nais kong magpasalamat sa mga kabataang ito for choosing a profession and vocation that feeds us and secures our brighter future”.

#Edjun Mariposque




Contact #: 09171180238



January 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending