1–2 minutes



Camp BGen Paciano Rizal – Arestado ang Most Wanted Person Regional level sa manhunt operation ng Pulis Calamba noong Enero 29, 2024.
Kinilala ni PCOL GAUVIN MEL Y UNOS, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alyas Jayson residente ng Calamba City, Laguna.


Sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, hepe ng Calamba Component City Police Station, nagsagawa ang kanilang warrant personnel ng manhunt operation kahapon Enero 29, 2024 sa ganap na 2:40 ng hapon sa Brgy. Mayapa, Calamba City, Laguna, na nagresulta sa pagkaaresto ng akusado.


Isinagawa ang nasabing operasyon laban kay alyas Jayson sa bisa ng warrant of arrest ni inilabas ng Family Court, Fourth Judicial Region Branch 8, Calamba City, Laguna nilagdaan naman ni HON. AVE A ZURBITO-ALBA, Acting Presiding Judge. Nahaharap ang akusado sa kasong Anti-Rape Law of 1997 (RA 8353).


Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CCPS ang arestadong akusado. Agad namang inimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto nito.


Sa mensahe ni Acting Provincial Director ng Laguna PPO na si PCOL UNOS, “Hangad ng inyong kapulisan na maipagkaloob ang hustisyang nararapat para sa mga biktima ng kriminalidad, hindi kami mapapagod sa paglilingkod at pagbibigay ng proteksyon sa ating mga mamamayan dahil iyan ang aming sinumpaang tungkulin.

#gtgtalampas #Willson Palima




Contact #: 09171180238



January 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending