1–2 minutes


Kampo Heneral Paciano Rizal – kumpiskado ang 3.7M halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang tatlong (3) High Value Individua (HVI) sa joint drugs buy-bust operation ng Laguna PNP kahapon Pebrero 3, 2024.
Kinilala ni Police Colonel GAUVIN MEL Y UNOS, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sila alyas Sigfred, alyas Jim at alyas Cynthia pawang mga residente Lumban Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL JOEWIE B LUCAS, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU), nagkasa sila ng drugs buy-bust operation dakong 3:30 ng umaga Pebrero 3, taong kasalukuyan sa Brgy. Maytalang 1, Lumban, Laguna kasama ang PNP DEG, SOU 4A, HPG 4A at Lumban MPS, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa nagpanggap na police poseur buyer kapalit ang marked money.

Nasamsam sa mga suspek ang anim (6) na pirasong medium size knot tied transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 550 gramo at nagkakahalagang tinatayang aabot sa PhP 3,795,000.00, siyam (9) na piraso PhP1000.00 peso bill boodle money, isang (1) pirasong PhP1000.00 peso bill ginamit na buy-bust money, isang (1) motorcycle, color gray, Keeway no plate number attached with key, dalawang (2) pirasong ID, isang PRC at isang National ID, isang (1) piraso ATM Landbank, isang (1) pirasong wallet, color black at isang (1) pirasong iPhone.

Samantala, ang mga arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.”

Ayon sa pahayag ni PCOL UNOS “Hindi hahayaan ng Laguna PNP na lumaganap ang bawal na gamot sa Laguna. Sa pagkaaresto ng mga suspek na ito ay maraming kabataan ang mailalayo natin sa dalang panganib at masamang epekto ng iligal na droga”. #gtgtalampas

#Edjun Mariposque




Contact #: 09171180238



February 2024
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
2526272829  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending