1–2 minutes

Arestado ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station ang isang suspek na tumangay ng motorsiklo sa Sitio Batasin 1, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Base sa salaysay ng biktima na si Alyas Freeman, 47-taong gulang at nakatira sa Taytay, Rizal. Nangyari ang pagnanakaw noong February 4, 2024 bandang 6:00 ng gabi na nuoy iniwan niya sa parehong lugar na nabanggit noong February 3, 2024 ngunit kinabukasan ay napansin niya na wala sa pinagparkingan ang kanyang motorskilo.

Kaagad naman humingi ng tulong ang biktima at inireport sa malapit na Barangay. Doon ay tinignan nila ang kanilang CCTV footage at kaagad rin namang nakilala ang nasabing suspek na si Alyas Jenard, 26-taong gulang at nakatira sa Taytay, Rizal.

Humingi ng tulong ang biktima sa kapulisan at agad na nag sagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Pinaalalahanan ng kanyang mga karapatan ang nasakoteng suspek at kasalukuyang nasa inquest proceedings para sa kasong paglabag ng Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Law Act of 2016.

Muli namang pinuri ni PCOL FELIPE B MARAGGUN, Provincial Director ang agaran at matagumpay na pagkakaaresto sa suspek na isa lamang sa magandang resulta ng walang kapagurang pagseserbisyo at pagtutulungan ng ating mga kapulisan para sa pagkakaroon ng mapayapang probinsya.

#Edjun Mariposque




Contact #: 09171180238



February 2024
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
2526272829  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending