1–2 minutes

Sina Laguna Cong. Cha Hernandez, Calamba City Mayor Ross Rizal ay lugod ang pagtanggap at pinasalamatan si Supremo Senador Lito Lapid na pinangunahan ang pamamahagi ng AICS at pagdalo sa urban fire olympics sa Calamba City, Laguna nitong Martes ng umaga March 5, 2024, bilang paggunita sa Fire Prevention Month.

Binigyang-diin ni Lapid ang kahalagahan ng paghahanda at pagpapalakas ng kakayahan ng mga bumbero sa pagtugon sa mga sunog, na itinuturing niyang mga bayani rin.

“Kapag may mga bayaning sundalo, army, air force, at mga pulis, mayroon ding mga bayaning bumbero. Sa oras ng pangangailangan, sila ang mga handang tumulong sa ating mga kababayan. Kaya’t mahalaga na hindi natin sila pabayaan,” aniya sa kanyang mensahe.

Ayon kay Lapid, mahalaga ang pagiging handa ng bawat isa upang maiwasan ang pinsala na dulot ng sunog sa ari-arian at kabuhayan ng mga mamamayan.

“Mag-ingat tayo laban sa sunog, lalo na ngayong panahon ng El Niño, sapagkat mahirap muling itayo ang mga nasirang tahanan at kabuhayan. Pangalagaan natin ang ating mga pamilya upang hindi sila maging biktima ng sunog. Sumunod tayo sa mga gabay ng Bureau of Fire Protection para sa ating kaligtasan,” dagdag ni Lapid.

Bukod dito, pinangunahan rin nina Cong. Hernandez, Mayor Rizal at Senador Lapid ang pamamahagi ng tig-2,000 pisong ayuda mula sa DSWD-AICS program para sa 500 na mahihirap na residente ng Calamba.

Ayon kay Sen. Lapid, ito man ay maliit, makakatulong pa rin ito sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga benepisyaryo.

#Edjun Mariposque






Contact #: 09171180238

March 2024
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending