1–2 minutes

Naging matagumpay ang naganap na pagbigay ng pagkilala sa lahat ng mga kalahok sa katatapos na 2nd Ross Rizal Fire Olympic sa lungsod ng Calamba bilang pag gunita ng Fire Prevention Month ngayong araw 1 April 2024.

Sa mensahe ni Mayor Roseller H. Rizal, pinasalamatan niya ang lahat ng mga kalahok lalong higit sa mga nanalo. Ayon kay Mayor Rizal “Sa pagtatapos ng selebrasyon ng Fire Prevention Month, at pagsasagawa ng sari-saring programa at proyektong may kaugnayan dito, muli nating pinatunayan na magkasama ang ating BFP at ang lokal na pamahalaan sa layong maiwasan ang sunog na karaniwan ay humahantong sa kapahamakan sa ating mga kababayan, pagkawala ng ari-arian, at pagkasira ng ating komunidad.” wika ni Mayor Rizal.



Dagdag pa niya “Habang umiinit ang panahon, ang panganib na magkaroon ng sunog ay mas mataas at kasabay nito ay ang panganib na pagkawala ng ari-arian, at mas malungkot, ay ang pagkawala ng buhay. At katulad ng palaging ipina-aalala sa atin, kailangan nating dagdagan ang ating fire safety consciousness at palaging mag-ingat at responsible sa ating mga tahanan at lugar na pinagta-trabahuhan.

Nagpasalamat naman si BFP FCINSP Alma Cassandra A. Gardose kay Mayor Ross Rizal sa tulong at suporta sa kanilang tanggapan lalong higit sa katatapos lamang na Fire Olympics kung saan ay mas mataas ang mga papremyo para sa mga mananalo. (Joel Cabactulan)

#Edjun Mariposque






Contact #: 09171180238

April 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending