1–2 minutes

Sa isang matagumpay na operasyon laban sa ilegal na droga, ang Biñan PNP ay tagumpay sa pag-aresto ng isang indibidwal na nahulihan ng mahigit na Php 21,000 halaga ng shabu at isang baril. Ang suspek ay kilala bilang “alyas Paul”, isang residente ng Biñan City, Laguna, ay nahuli matapos ang isang buy-bust operation sa Brgy. Dela Paz, Biñan City Laguna.

Ayon kay Police Colonel Gauvin Mel Y Unos, Acting Provincial Director ng Laguna PPO, ang operasyon ay bunga ng mahigpit na koordinasyon at pagtutulungan ng mga tauhan ng Biñan Component City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Jonathan Robert C Rongavilla. Ang mga operatiba ay nagpanggap bilang mga poseur buyer at nakipag-transaksyon kay “alyas Paul” gamit ang marked money, na humantong sa kanyang pag-aresto.


Matapos ang buy-bust, natagpuan sa suspek ang apat na piraso ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 3.1 gramo, kasama ang isang kalibre 9mm pistol, isang hand grenade, at ang mga bala. Ang mga ebidensya ay nasa kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan Component City Police Station, habang si “alyas Paul” ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002” at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Sa pahayag, iginiit ni PCOL Unos ang dedikasyon ng kapulisan ng Laguna sa paglaban sa ilegal na droga. Siniguro niya ang patuloy na pagkilos ng kanilang hanay upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng kanilang komunidad laban sa mapanganib na bawal na gamot. Ang tagumpay na ito ay patunay ng kanilang matiyagang pagtatrabaho at determinasyon na mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

#Edjun Mariposque






Contact #: 09171180238

April 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending