By: DRYEN ZAMORA    ||     

1–2 minutes


Buking ang paghahanapbuhay ng isang lalaki sa loob ng sementeryo matapos maaresto sa isang buy bust operation ng Biñan City Police sa ilalim ng pamunuan ni PLTCOL Jonathan Robert Rongavilla.


Kinilala ang suspek na si alias ALVIN, 35 anyos, taga Barangay San Antonio Binan City Laguna at base sa ulat ay isang High Value Individual ito at kabilang umano sa Dela Cruz Drug Group.

Sa imbestigasyon ng Kapulisan, dakong alas 6:20 ng gabi ng Huwebes nang maaresto ito sa Public Cemetery, Brgy San Antonio, Biñan City, Laguna dahil sa pagbebenta umano ng 1 piraso ng sachet ng hinihinalang iligal na droga na nagkakahalaga ng Php 1,000.

Nakuha din umano ang karagdagang mga sachet at may timbang ang lahat ng mahigit kumulang 1.5 grams o nagkakahalaga ng Php 10,350.00.


Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang naturang suspek.

#Edjun Mariposque






Contact #: 09171180238

April 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending