1–2 minutes

Naglabasan ang Galit sa Brgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna matapos ang Insidente ng pangangagat ng Asong abandonado at may mga anak.

Galit at pagkabahala ang bumalot sa Brgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna matapos ang ilang insidente kung saan isang aso ang naging biktima matapos naunang mangagat ng 15anyos, at sunod ang 6anyos, 13-anyos, at 35anyos nitong Sabado at Linggo.

Isang viral na video ang nagpapakita ng pangyayari kung saan hinuhuli ng Brgy. Tanod ang aso kung saan nagtatago kasama ang mga anak nito, upang diumano ay dalhin sa impounding area. Subalit, sa kasagsagan ng paghila sa aso, biglang lumapit ang mga kaanak at ng mismong batang biktimang kinagat ng asong ito, na agad na pinagpapalo sa galit ang hayop.

Noong Sabado, sunod-sunod nang nakagat ng nasabing aso ang isang 6-anyos na batang lalaki sa pwet at dalawang lalaki na may edad na 35 at 13 taong gulang sa hita noong Linggo.

Hati ang naging opinion ng mga tao dahil sa pangyayari.


Isang animal advocate ang agad na kumilos at nagpa blotter sa pulisya laban sa mga sangkot sa pagpalo sa aso. Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na ng lokal na kapulisan ang pangyayari.

Sinagot naman ng Animal Advocate, ang mga gastusin sa pagpapagamot ng nakagat ng aso gayun din sa natamong tama ng aso sa ulo.

Una nang nagkaayos sa Barangay ang animal advocate at ang mga sangkot sa maling pag trato sa aso ngunit ngayong araw ay tila desididong mag-sampa ng kaso ang Animal advocate sa nanakit sa aso.


Sa ngayon, ang aso ay nasa pangangalaga ng mga beterinaryo na nilunasan ang kanyang mga sugat kasama ang kanyang mga tuta.

#Edjun Mariposque






Contact #: 09171180238

April 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending