1–2 minutes

Naaresto ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station ang 5 suspek habang nasa aktong naglalaro ng Cara y Cruz kung saan nahulihan din ito ng halos 200k na halaga ng hinihinalang shabu at baril noong April 13, 2024 bandang ika 7:20 ng gabi sa Dump Site, highway 2000, Brgy. San Juan Taytay, Rizal.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ang mga otoridad kung saan naaktuhan nila ang ilang nag-uumpukan habang naglalaro ng Cara y Cruz at dito ay matagumpay na naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Alyas Daniel Liit, 34-anyos, garbage collector, Alyas Lui, 41-anyos, tricycle driver, Alyas Anye, 49-anyos, driver, Alyas Baks, 56-anyos, garbage collector at Alyas Titoy, 38-anyos na pawang mga nakatira sa Taytay, Rizal habang ang iba pa sa mga kasamahan nito ay nakatakas ng mangyari ang pangaaresto.

Nakuha mula sa mga ito ang mga sumusunod na ebidensya; 3 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 25 gramo at nagkaka halaga ng PHP 170,000.00, isang Black Widow Calber 22 pistol at 10 bala , PHP 660.00 halaga ng bet-money at (3) tatlong piraso ng coins na ginagamit na “pangara”.

Nahaharap ngayon sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o R.A 9165, R.A 10591 o Firearms Law at Anti-Illegal Gambling o PD 1602 ang mga suspek at kasalukuyang nakapiit sa Taytay Custodial Facility para sa proseso ng pagsasampa ng kaso.

Binigyang diin ni PCOL FELIPE MARAGGUN, Provincial Director na ang kapulisan ng Rizal ay patuloy na lalabanan at hindi titigil sa pagsugpo ng mga mga ilegal na droga at iligal na sugal. Sinisiguro ng Rizal PNP na ang mga mamayan at probinsya ng Rizal ay ligtas mula sa mga ilegal na aktibidad, illegal drugs at kriminalidad.

#Edjun Mariposque






Contact #: 09171180238

April 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending