by: Edjun Mariposque                ****   

2 minutes

Nagsimula na ang mahalagang yugto sa kasaysayan, May 16, 2024, ang Groundbreaking Ceremony sa pagtatayo ng Laguna Regional Hospital sa Bay, Laguna, bilang tugon sa pangangailangan ng mas mataas na antas ng serbisyo sa kalusugan para sa mga residente ng lalawigan. Sa pangunguna ni Gobernadora Ruth Hernandez, na may layuning mapabuti ang kalidad ng medikal na serbisyo, ipinasa noong Marso 9, 2021, ang panukalang batas sa Kongreso upang itatag ang nasabing ospital. Sa ika-12 ng Disyembre, 2023, ipinasa sa Third Reading ang House Bill 9623, na nagtatakda ng pundasyon para sa proyektong ito.

Kasunod nito, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ay nagpirmahan ng Deed of Donation sa Department of Health (DOH) para sa mahigit dalawang ektaryang lupa sa Bay, kung saan itatayo ang nasabing pasilidad. Noong Marso 12, 2024, itinalakay sa Public Hearing ng Senate Committee on Health and Demography ang kahalagahan ng proyektong ito sa pagpapabuti ng pangkalahatang sistema ng pangangalaga sa kalusugan sa lalawigan.

Ngayon, sa pagsisimula ng groundbreaking ceremony, ipinapakita ng lokal na pamahalaan ang kanilang determinasyon na tuparin ang pangako sa sambayanan na magkaroon ng mas malakas at mas maaasahang sistema ng pangangalaga sa kalusugan. Ito ay isang patunay ng patuloy na pagtutulungan at kooperasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna at Kongreso upang tugunan ang pangangailangan ng mga Lagunense sa larangan ng kalusugan.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, inaasahan na mas mapapabuti ang pagiging abot-kaya at maayos ng serbisyo sa medikal para sa mga mamamayan ng Laguna. Ang adhikain na ito ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay at pangalagaan ang kalusugan ng lahat ng mga taga-Laguna. Sa pagtutulungan ng lahat.

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

May 2024
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.