by: BONG RIVERA                    

****                       

1–2 minutes



Quezon – Nasawi ang isang batang babaeng  estudyante habang tatlo pang kaklase nito ang nasugatan ng mahulog ang mga ito sa septic tank sa loob ng compound ng kanilang eskwelahan sa Alfonso, Cavite nitong Lunes ng tanghali.

Base sa report ng Alfonso PNP, nangyari ang insidente dakong alas 12:40 ng tanghali habang ang 4 na magkakaklaseng batang babae ay kumakain ng tanghalian sa isang concrete bench na nasa ibabaw ng septic tank sa Sinaliw Malaki Elementary School, sa Brgy. Sinaliw Malaki.

Bigla umanong bumigay ang semento sa ibabaw ng septic tank, at nahulog sa hukay ang mga biktima maging ang concrete bench na inuupuan nila.

Agad na sumaklolo ang rescue team ng Alfonso MDRRMO at iniaahon ang apat at isinugod sa Poblete Hospital subalit idineklarang dead on arrival na ang 12-anyos na grade 5 student na si Criszel.

Ginagamot pa sa ospital ang tatlo na ngtamo ng mga minor injuries sanhi ng pagkahulog at madaganan ng mga nalaglag na semento.

Ayon kay PMAJ Raymond T Balbuena, Chief of Police ng Alfonso, abandonado na ang septic tank at hindi na ginagamit ng eskwelahan.
Tuyo na rin ang  ang hukay na   tinatayang nasa 7 feet ang   lalim.

Hindi pa matiyak kung magsasampa ng reklamo ang mga kaanak ng biktima.
Wala pa ring opisyal na pahayag ang paaralan.

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

May 2024
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending