by: BONG RIVERA                    

****                       

2 minutes



QUEZON-Tatlo ang  napatalang nasawi sa lalawigan ng Quezon sa pananalasa ng bagyong Aghon nitong Linggo.

Base sa paunang nakalap na  report ni Area Police Command-Southern Luzon  Commander Police Lt. Gen. Rhoderick C Armamento, kabilang sa mga nasawi ang  isang 14-anyos na binatilyo ang   nadaganan ng bumagsak na puno ng  buli   habang natutulog sa kanilang bahay sa  Barangay Ibabang Iyam, Lucena City dakong alas 3:00 ng madaling araw ligtas naman ang mga kasama nito sa bahay.

Namatay rin ang isang 50 anyos na magsasaka ng bumagsak ang  malaking puno ng acacia sa kanyang tinutulugang kubo    sa Barangay  Sampaga, San Antonio, Quezon dakong alas 10:30 ng umaga.

Natumba umano ang puno matapos na lumambot ang lupa at dahil sa lakas ng hangin at bumagsak sa kubo na  agad   ikinasawi ng biktima.

Nasawi rin ang isang sanggol na lalaki na natagpuang palutang-lutang sa tubig sa Sitio Resettlement, sa Barangay Ilayang Polo, Pagbilao, Quezon. 

Ayon sa report, sinalpok ng malalaking alon ang bahay ng pamilya ng biktima na nakatayo sa fishcage sa area dakong alas 5:00 ng umaga.

Nahulog ang bata sa tubig at nalunod at natagpuan itong wala ng buhay  dakong alas 11:00 na ng tanghali.

Samatala sa inisyal na talaan ng Quezon  Provincial Disater Risk and Reduction Office, nasa 17 bahay ang totally damage sa buong lalawigan at 174 ang partially damage.

Nasa 3,172 pamilya din ang naapektuhan ng bagyo na  binubuo ng nasa 779 na pamilya.

Samantala aabot naman na sa 2, 923 na pamilya o tinatayang nasa 11, 941 na indibidwal ang inilikas na sa Calabarzon dala ng epekto ng bagyo.

Kasama ding napaulat ang isang shipping vessels na may kargang 180 liters na diesel at 9,707.13 tonelada ng nickel patungo sana ito ngRio Tuba,Palawan kung kaya pansamantala muna itong dumaong sa pantalan ng Brgy.Sadsaran,Mauban,Quezon upang makaiwas sa bagyo subalit tinangay ito ng malalaking alon sa gitna ng karagatan wala namang napaulat na nasaktan at namatay sa mga sakay nitong tripulante.

Ayon naman kay Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Edgar Posadas, ang nasabing ulat ay inisyal na report pa lamang  at kanila pang beberipikahin kapag natapos na ang dokumentasyon ng kanilang OCD 4A cluster.

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

May 2024
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.