****                           

2 minutes

Naaresto ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station ang anim na suspek habang nasa aktong naglalaro ng Cara y Cruz kung saan nahulihan din ito ng mahigit 100k na halaga ng hinihinalang shabu at baril kaninang 1:20 ng umaga Hunyo 27 taong kasalukuyan sa Purok 15 Valle Compound, Brgy. Juan, Taytay, Rizal.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operations ang mga otoridad kung saan naaktuhan nila ang ilang nag-uumpukan habang naglalaro ng Cara y Cruz at dito ay matagumpay na naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Alyas Bal (High Valued Inidividual), 43-taong gulang, Alyas Erap, 57-taong gulang, Alyas Tata, 43-taong gulang, Alyas Chard, 38-taong gulang, Alyas King, 24-taong gulang at Alyas Junior, 31-taong gulang na pawang mga nakatira sa Taytay, Rizal.

Gayundin, nakuha mula kay Alyas Bal ang 4 pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 15 gramo at nagkakahalagang PHP 102,000.00, samantalang kay Alyas Erap ay nakuha sa posesyon nito ang isang Caliber .38 revolver at 6 bala. Nakuha pa sa mga suspek ang PHP 450.00 halaga ng bet-money at (3) tatlong piraso ng coins na ginagamit na “pangara”. 

Nahaharap ngayon sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o R.A 9165, R.A 10591 o Firearms Law at Anti-Illegal Gambling o PD 1602 ang mga suspek at kasalukuyang nakapiit sa Taytay Custodial Facility para sa proseso ng pagsasampa ng kaso.

Binigyang diin ni PCOL FELIPE MARAGGUN, Provincial Director na ang kapulisan ng Rizal ay patuloy na lalabanan at hindi titigil sa pagsugpo ng ibat-ibang kriminalidad. Sinisigurado ng Rizal PNP na ligtas ang bawat isang Rizalenyo.

#Edjun Mariposque

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

June 2024
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.