by: BONG RIVERA                    

****                       

2–3 minutes

QUEZON-Isang babae na tatlong linggo ng nawawala ang natuklasang chinop-chop pala ng kanyang live-in partner at inilibing sa silong kanilang bahay sa Malvar St., Barangay 5, Lucena City.

Nabunyag ang pangyayari nitong Lunes ng hapon matapos na hindi makayanan ng suspek na live-in partner ng biktima ang kanyang ginawa at ipinagtapat sa pulisya ang pangyayari habang sumasailalim ito sa pagtatanong ng mga imbestigador hinggil nawawalang babae.

Subalit sa patuloy na imbestigasyon, napag-alaman na hindi lamang isang bangkay ang nakalibing sa lugar kundi may isa pang biktima na napatay naman nila ng kanyang kinakasama noong 2023.

Ayon sa report ng Lucena City police, kusang loob na umamin ang 29-anyos na construction worker na napatay niya ang kanyang kinakasamang si Ronalyn Molina Alvarez, 28-anyos, noong nakaraang June 30 ng umaga.

Nag-away umano sila at nasaksak niya ng ice pick ang ang ka-live in na siyang ikinasawi nito.

Upang maitago ang krimen, hinati niya sa tatlo ang bangkay, sa ulo, katawan at mga paa, at isinilid sa tig-iisang sako at saka ibinaon sa silong ng kanilang bahay.

Inamin din ng suspek na may nakabaon pang isang bangkay doon na kinilala sa pangalang Analyn Orjejada na napatay naman nila umano ni Ronalyn noong March 2023.

Isinilid nila ito sa plastic na drum at inilibing sa sahig ng bahay at saka sinimentuhan.

Nitong Lunes ng hapon, nahukay na ng pulisya at mga tauhan ng SOCO ang mga labi ng dalawa.

Nakapiit na sa Lucena custodial facility ang suspek at nahaharap sa mga kasong murder.BONG RIVERA

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

July 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending