by: Edjun Mariposque

                ****                           

2–3 minutes

****



Calamba City—Naghatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 736 na apektado ng bagyong Carina. Ang pamamahagi ng ayuda ay sa inisyatibo at pangungulit ni Vice Governor Karen Agapay kay Senador Lito Lapid na talaga namang hindi tinanggihan at pinaunlakan ng Senador. Binigyang-diin ang kanilang suporta para sa mga senior citizen ng Calamba, Cabuyao, Los Baños, at Bay. Ang pagtulong na ito ay naging bahagi ng kanilang adbokasiya upang tiyakin ang kapakanan ng mga matatanda sa panahon ng kalamidad.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Vice Governor Karen Agapay si Senador Lito Lapid kahit na hindi ito nakarating sa pamamahagi ng tulong. Aniya, patuloy ang suporta ni Senador Lapid sa mga senior citizen sa lalawigan ng Laguna, lalo na ang mga apektado ng bagyong Carina. Ang kanilang pagtutulungan ay simbolo ng malasakit at dedikasyon sa pagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga nangangailangan.

Si Vice Governor Agapay ay nagbahagi rin ng kanyang karanasan sa politika, simula nang siya ay naging SK Chairman noong 2013, at kalaunan ay nahalal bilang SK Federation President sa San Pablo, Laguna. Mula rito, umangat siya sa pagiging number 1 Board Member ng Laguna, na kalaunan ay naging Vice Governor at ito ay kaloob ng May-kapal sapagkat siya ay tinadhana.

Sa pagtatapos ng kanyang huling termino, si Agapay ay walang naging kaugnayan sa anumang kaso o isyu ng korapsyon.

Pangako ni Agapay na ipagpapatuloy ang kanyang paglilingkod sa mas mataas na posisyon bilang Gobernador ng Laguna.

Pinasalamatan din ni Board Member Boy Zuñiga si Senador Lito Lapid sa kanyang tulong para sa mga senior citizen. Aniya, ang mga matatanda ay isa sa mga pinaka-vulnerable sa panahon ng bagyo at pabago-bagong klima, kaya’t napakahalaga ng mga ganitong klaseng inisyatiba upang masiguro ang kanilang kaligtasan at kaginhawahan. Ang kanilang kolaborasyon ay isang halimbawa ng mabuting pamumuno na naglalayong itaas ang antas ng serbisyo para sa mga mamamayan.

Ang patuloy na pagkilos nila Senador Lito Lapid, Vice Governor Karen Agapay kasama si Board Member Boy Zuniga sa pagbibigay ng ayuda ay nagpapakita ng kanilang tunay na malasakit sa kapakanan ng mga residente ng Lalawigan ng Laguna. Ang tulong pinansyal na kanilang ipinamamahagi ay makakatulong hindi lamang sa mga pangangailangan ng mga senior citizen kundi pati na rin sa kanilang emosyonal na kalagayan, na nagbibigay sa kanila ng pag-asa at seguridad sa panahon ng sakuna.

Ang kanilang pagtutulungan ay nagbibigay inspirasyon sa iba pang lider at ahensya na makibahagi sa layuning ito, na naglalayong bumuo ng isang mas ligtas at mapayapang pamayanan para sa lahat.

#Edjun Mariposque

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

July 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending