by: BONG RIVERA                    

****                       

2–3 minutes



BATANGAS-Isang jeepney driver na wanted sa kasong murder at  umano ay kasabwat sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid ang hindi nagpahuli ng buhay sa mga awtoridad sa ginawang paghahain ng warrant of arrest laban dito  sa Brgy. Lumbang, Lipa City, Batangas.

Ayon sa report, sa halip na sumuko pinaputukan pa nito ang   aarestong mga  awtoridad na bitbit ang warrant of arrest mula sa RTC Branch 254 ng Las Piñas City nitong Linggo.

Nauwi pa sa hostage drama ang sitwasyon  ng mula alas 4:00 ng madaling araw hanggang alas 8:00 ng umaga,  hinostage pa ng suspek na si  Jake Mendoza , alyas Orly, 40-anyos, tubong  Baco, Orieantal Mindoro,   sa loob ng kanilang bahay ang kanyang asawa at anak na lalaki  upang hindi makalapit ang nagsanib-puwersang mga tauhan ng  RSOG NCRPO, NICA-4A, mga taga  NBI, SAF at mga miyembro ng  Lipa city police na maghahain ng warrant of arrest.

Sa patuloy na negosasyon sa tulong ng mga barangay officials at mga kaanak nito,  pumayag ito na palabasin ang kanyang mag-ina.
Subalit bago nakapasok ang mga awtoridad, nagbaril sa ulo ang suspek.

Agad itong isinugod  sa Ospital ng Lipa subalit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.
Narekober sa tabi ng biktima ang isang kalibre 45 baril na ginamit nito sa pagbabaril.

Ayon sa pulisya, si Mendoza ay siyang sinasabing kasabwat ng  self-confessed gunman na si Joel Escorial sa pagpaslang sa batikang broadcaster na si Percy Lapid na pinagbabaril habang sakay ng kaniyang kotse pauwi sa BF Resort Village, Las Piñas City noong Oktubre 3, 2022.

Nauna nang sumuko si Escorial matapos daw niyang makita ang kaniyang mukha sa closed-circuit television (CCTV) camera na isa sa mga suspek sa pagpatay kay Lapid.

#BongRivera

#EdjunMariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

August 2024
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending