by: BONG RIVERA                    

****                       

3–4 minutes

QUEZON—Apat ang nasawi at isa ang nasa kritikal na kondisyon matapos araruhin ng isang ten-wheeler truck na nawalan ng preno ang tatlong bahay at 11 sasakyan sa Maharlika Highway, Brgy. Isabang, Lucena City, pasado alas-11:20 ng gabi nitong Sabado.

Kasama sa mga nasawi ang driver ng truck, dalawang lalaking sakay ng isang tricycle na nasalpok, at isang binata na nasa loob ng isa sa mga bahay na nadamay sa aksidente.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Lucena City PNP, nakita mula sa Brgy. Calumpang, Sariaya na mabilis at rumaragasa ang takbo ng truck na may kargang mga fertilizer.

Ayon sa mga nakasaksi,sa aksidente tuluy-tuloy ang pagbulusok ng truck sa bahaging kalsada na palusong at panay ang  busina nito at nag-aapoy na ang unahang gulong bago pa man bumangga sa mga nakaparadang sasakyan sa harap ng isang istasyon ng radyo.

Unang nadamay ang limang sasakyan, kabilang ang isang kotseng agad nagliyab at sumiklab pa sa apat na iba pa.

Pagkatapos nito,bumangga pa ang truck sa isang pick-up, SUV, at tricycle na noo’y tumatakbo sa kalsada.

Lubhang napinsala ang tricycle at hindi na nailigtas ang dalawang lalaking sakay nito na dead on the spot sa aksidente.

Huli nitong inararo ang tatlong bahay at nadamay din ang tatlong sasakyang nakaparada sa garahe.

Sa lakas ng pagkakabangga, nagiba ang mga pader at tuluyang gumuho ang dalawa sa mga bahay, kung saan naroon ang isang binatang biktima na noo’y nagpapahinga sa sala.

Matinding pinsala rin ang tinamo ng ina ng binata na natutulog sa silid na kasalukuyang ginagamot sa ICU.

Narekober ang katawan ng binata bandang alas-9:15 na ng umaga matapos matabunan ng nagibang pader.

Samantala,9 na kabataang nagdiriwang ng kaarawan sa terrace ng ikatlong bahay ang nagtamo ng mga minor na sugat matapos tumakbo palayo nang marinig ang malakas na pagbangga ng truck.

Buhay na nasagip ng mga rescuer ang isang aso na natagpuan sa ilalim ng tumagilid na truck.

Kinumpirma ni Lucena City Police Chief PLtCol. Ryan Hernandez na hindi na rin umabot ng buhay sa ospital ang driver ng truck.

Patuloy pa ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong sanhi ng pagkawala ng preno at iba pang pangyayari sa naturang aksidente.

#BongRivera

#EdjunMariposque

DREAMSTAR TV

🏥 PANHERO ANG TAMANG LANDAS DRUG REHABILITATION AND TREATMENT CENTER 🏥

DOH Accredited: 4A-003-2325-DR-2
📍 Sta. Rosa-Tagaytay Road, Brgy. Lumil, Silang, Cavite

At the Panhero Tamang Landas Rehabilitation Center, we are not just a rehabilitation center. In addition to prioritizing improvement and recovery, we also emphasize the value of education. We are now offering ALS and TESDA short courses for our patients to pursue, whether they are currently at the center or after completing their required stay for recovery.

TOP REHABILITATION FACILITY
🏆 Gintong Parangal
🏆 Philippines Golden Eagle Awards
🏆 Asian Top Choice Awards

HIGHLIGHTS
✅ Air-conditioned Facility
✅ Admin Room
✅ Comfortable Bedrooms with 4 patients maximum per roof
✅ Clinic and Pharmacy
✅ Family Room for Engagements and Life Coaching

SERVICES
✔️ Individual Counseling Sessions
✔️ Group Therapy Sessions
✔️ Medication Assisted Treatment
(Manage withdrawal symptoms and reduce cravings)
✔️ Medical Exams and Laboratories (Complete package)
A. Physical Examination
B. X-ray, ECG, VDRL etc.
C. Drug Test
D. Drug Dependency Exam
✔️ Psychiatric and Psychological Evaluation
✔️ Family Therapy Sessions
✔️ Life Skills Training
✔️ Recreational Activities
✔️ Spiritual Program
✔️ Alternative Learning System (ALS) DEPED
✔️ Skills Training (TESDA Certificate)
✔️ Aftercare Program

24/7 CARE ASSISTANCE
🏥 Mental Care Treatment with Licensed/Accredited Professionals
🏥 Dental Care
🏥 Laboratory & Diagnostic Care
🏥 Pharmaceutical Care

AMENITIES & OTHER ACTIVITIES
🍿 Movie
👯 Zumba Session
🎹 Piano
🏋🏻‍♂️ Gym and Physical Fitness Equipment
🎱 Billiard and Pool table
🏓 Table Tennis Table
🏀 Basketball Court
🏐 Volleyball
🏸 Badminton
♟️ Board games
🎸 Drums and Guitars
🌿 Gardening

PAYMENTS
💳 Credit cards
💳 Grab Pay QR Code
💳 BDO Pay
💳 GCash
💳 Alipay
💳 Maya

CALL TO CONTACT
☎️ PLDT: (046) 889-8978
☎️ SMART: (0999) 990-9096
☎️ GLOBE: (0917) 539-8883

Start your recovery with us TODAY!






Contact #: 09171180238

October 2025
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending