****

                ****                           

4–6 minutes

Sa totoo lang, nakakapanghina ng loob ang paulit-ulit na eksena ng korapsyon sa ating pamahalaan. Parang pelikulang umiikot lang sa parehong istorya—iba lang ang bida at kontrabida, pero iisa ang ending: taong-bayan ang talo.

Bulacan, na minsang naging sentro ng “flood control scandal,” ay muling nababalot ng kontrobersya. Matapos mabunyag ang mga katiwaliang kinasangkutan ng ilang opisyal ng DPWH na pinamunuan ni Bryce Hernandez—na tila nabuhay sa mala-Hollywood na lifestyle na Ferrari, Lamborghini, at VIP casino nights—naging pag-asa ng marami na may pagbabago nang sisibol sa loob ng kagawaran. Tinanggal sila sa puwesto, nag-sorry ang ilan, at umaasa tayong lahat: “Sana naman, ito na ang simula.”

Pero gaya ng sabi nila, “Kung ayaw, maraming dahilan. Kung gusto, may paraan.” At para sa ilan sa DPWH, mukhang ang paraan ay pagbabalik ng mga dating pangalan na may bahid na ng kontrobersya.

Sino nga ba si Josefino “Jojo” Melgar, Jr.? Engineer. Matagal na sa DPWH. Naging OIC Assistant District Engineer sa Baguio noong 2005 at District Engineer sa Occidental Mindoro mula 2012 hanggang 2020. Biglang nawala. At mas biglang bumalik.

Pero bakit nga ba nawala? Ayon sa isang lumang artikulo, mismong si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbulgar na itong si Melgar ay umano’y sangkot sa mga ghost projects sa Occidental Mindoro. Kasama raw ni Rep. Josephine Sato sa modus. Dahil dito, iniutos ni Duterte kay dating DPWH Secretary Mark Villar na tanggalin si Melgar agad-agad. Pero ang nangyari? Fast forward… siya na ngayon ang nakaupo bilang OIC ng DPWH Bulacan. Hindi man lang natanggal? Hindi ba sinunod ang utos ni Duterte noon? Mindoro corrupt raw, ipinalit sa Bulacan corrupt? Kung totoo man ito, masakit isipin: bakit ganito kababa ang tingin sa mga Bulakenyo?

At sa 2022 elections, may tumakbong kongresista sa Occidental Mindoro na nagngangalang “Kuyang Jojo Melgar.” Siya rin ba ito? Kung oo, ibig sabihin, tumigil siya pansamantalang maging public servant. Pero bakit siya biglang naibalik sa DPWH—at sa sensitibong posisyon pa? Wala na ba talagang ibang mas kwalipikado? Ano ba talaga ang pamantayan sa pagpili ng mga OIC? Record? Integridad? O koneksyon?

Mas lalo pang nakakagalit ang mga kwento tungkol sa ugaling ipinapakita niya sa Region III 1st DEO. Imbes na magbigay-inspirasyon at magpatatag ng moral ng mga empleyado, tila ba “hari-harian” ang peg—pinapatayo ang mga tao kapag dumarating, pinagbabawalang magsalita tungkol sa nakaraang pamunuan, may bantang tanggal o suspend pag hindi sumunod. Kung makapagyabang, parang untouchable. Mason daw kasi. O baka naman may “umbrella” sa itaas?

Hindi masama ang pagiging disiplinado. Hindi rin masama ang pagiging istrikto lalo na kung proyekto ng taumbayan ang nakataya. Pero ang pagiging bully, ang pagmamalaki kahit may kontrobersyang dala, at ang pagtrato sa mga tao na parang alipin—mali. Walang lugar ang ganitong pag-uugali sa isang ahensya na dapat nagsisilbi nang may dangal at malasakit.

Kaya dapat lang na magtanong tayo. Mag-ingay tayo. I-call out natin ito. Hindi dapat manahimik ang mga taga-Bulacan. Hindi dapat magbulag-bulagan ang DPWH. I-tag natin si Sec. Vince. Ipanawagan natin ang transparency at accountability. Huwag nating hayaan na ang mga posisyon sa gobyerno ay maging parking lot ng mga kontrobersyal na personalidad.

Hindi natin kailangan ng kontrabida. Ang kailangan natin: mga bayani—mga lider na may integridad, respeto, at tunay na malasakit.

At sa panahon ngayon, hindi na sapat ang manood lang. Oras na para magtanong: Sec. Vince… wala na bang iba?

#EdjunMariposque

#CalambaCityUpdates

#NewsStringerTV

#NSTV

#CCU

🏥 PANHERO ANG TAMANG LANDAS DRUG REHABILITATION AND TREATMENT CENTER 🏥
DOH Accredited: 4A-003-2325-DR-2
📍 Sta. Rosa-Tagaytay Road, Brgy. Lumil, Silang, Cavite

At the Panhero Tamang Landas Rehabilitation Center, we are not just a rehabilitation center. In addition to prioritizing improvement and recovery, we also emphasize the value of education. We are now offering ALS and TESDA short courses for our patients to pursue, whether they are currently at the center or after completing their required stay for recovery.

TOP REHABILITATION FACILITY
🏆 Gintong Parangal
🏆 Philippines Golden Eagle Awards
🏆 Asian Top Choice Awards

HIGHLIGHTS
✅ Air-conditioned Facility
✅ Admin Room
✅ Comfortable Bedrooms with 4 patients maximum per roof
✅ Clinic and Pharmacy
✅ Family Room for Engagements and Life Coaching

SERVICES
✔️ Individual Counseling Sessions
✔️ Group Therapy Sessions
✔️ Medication Assisted Treatment
(Manage withdrawal symptoms and reduce cravings)
✔️ Medical Exams and Laboratories (Complete package)
A. Physical Examination
B. X-ray, ECG, VDRL etc.
C. Drug Test
D. Drug Dependency Exam
✔️ Psychiatric and Psychological Evaluation
✔️ Family Therapy Sessions
✔️ Life Skills Training
✔️ Recreational Activities
✔️ Spiritual Program
✔️ Alternative Learning System (ALS) DEPED
✔️ Skills Training (TESDA Certificate)
✔️ Aftercare Program

24/7 CARE ASSISTANCE
🏥 Mental Care Treatment with Licensed/Accredited Professionals
🏥 Dental Care
🏥 Laboratory & Diagnostic Care
🏥 Pharmaceutical Care

AMENITIES & OTHER ACTIVITIES
🍿 Movie
👯 Zumba Session
🎹 Piano
🏋🏻‍♂️ Gym and Physical Fitness Equipment
🎱 Billiard and Pool table
🏓 Table Tennis Table
🏀 Basketball Court
🏐 Volleyball
🏸 Badminton
♟️ Board games
🎸 Drums and Guitars
🌿 Gardening

PAYMENTS
💳 Credit cards
💳 Grab Pay QR Code
💳 BDO Pay
💳 GCash
💳 Alipay
💳 Maya

CALL TO CONTACT
☎️ PLDT: (046) 889-8978
☎️ SMART: (0999) 990-9096
☎️ GLOBE: (0917) 539-8883

Start your recovery with us TODAY!

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

November 2025
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending