by: BONG RIVERA                    

****                       

3–5 minutes

LUMBAN, LAGUNA—Nauwi sa kaguluhan at tensiyon ang pagpapatupad ng eviction order ng korte laban sa isang barangay chairman sa bayan ng Lumban, matapos siyang utusang bakantehin ang mga ari-ariang kanyang inuukupa at i-turn over sa sinasabing bagong may-ari ng lupa sa Barangay Caliraya.

Dakong alas 9:00 ng umaga Enero 30 nang dumating ang grupo ng sheriff sa compound ng isang restaurant na pagmamay-ari ng kapitan, na matatagpuan sa bungad ng kalsada patungo sa komunidad ng Barangay Caliraya. Agad umanong ikinandado ng kapitan ang gate matapos matunugan ang planong pagtake-over sa nasabing establisyemento.

Nagkaroon ng tulakan at komosyon nang pilitin ng grupo ng sheriff na buksan ang gate ng compound. Sa kabila ng pagtutol ng mga staff at security guard ng restaurant, nagawa pa ring makapasok ng sheriff at ng kanyang grupo kasama ang mga security guard ng realty corporation na sinasabing bagong may-ari ng lupa.

Naka-standby rin ang mga security personnel ng umano’y bagong nagmamay-ari ng lupa na siyang planong umokupa sa babakantehing establisyemento. Ayon sa sheriff, kinakailangan nang ipatupad ang court order matapos paboran ng korte ang panig ng mga realtors na nakabili ng lupa.

Ang restaurant na nasa baybayin ng Lawa ng Caliraya ang unang madadaanan papasok sa komunidad na sinasakop ng eviction order. Ayon sa barangay captain, kabilang umano sa sakop ng inaangking lupa ng mga realtors ang mahigit 40 kabahayan sa loob ng komunidad, pati na ang barangay hall.

Tinututulan ng kapitan ang sinasabing bentahan ng lupa at iginiit na nasa proseso na umano ng paglipat sa kanilang barangay ang nasabing lupain mula sa orihinal na may-ari. Lumabas sa mga dokumento ng korte na dumaan sa mahabang proseso ang kaso hanggang sa maglabas ng desisyon ang trial court ng Lumban–Kalayaan pabor sa plaintiff.

Inamin ng kapitan na may mga dokumentong hindi naisumite ng kanilang dating abogado na maaaring naging dahilan ng paghina ng kanilang posisyon sa korte.

Gayunman, mariin niyang tinutulan ang pagtake-over sa kanyang restaurant dahil umano sa mga kakulangan sa court order at writ of execution na bitbit ng grupo ng sheriff.

Ayon sa kapitan, walang malinaw na deskripsyon sa court order kung aling partikular na lote o ari-arian ang saklaw ng eviction, at may mali rin umano sa address at pangalan ng establisyementong nakasaad sa dokumento.

Nagmatigas ang grupo ng sheriff at tumangging umalis hangga’t hindi naipatutupad ang eviction order. Tumagal ng halos apat na oras ang negosasyon hanggang sa muling sumiklab ang ikalawang komosyon nang subukang palabasin ng sheriff ang kapitan upang maipadlock ang restaurant, subalit nabigo rin ang grupo nito.

Upang maiwasan ang mas malala pang sitwasyon at kaguluhan matapos ang pag-uusap ng pamilya ng kapitan, kanilang mga kaanak, at konsultasyon sa abogado, nagpasya ang kapitan na boluntaryong lisanin ang lugar. Nagkaroon din ng kasunduan na hindi gagalawin ng mga bagong okupante ang anumang kagamitan sa loob ng establisyemento at pahihintulutang bumisita ang tatlong miyembro ng pamilya ng kapitan habang inaapela ang kaso.

Nagbabalak ngayon ang kapitan, kasama ang mga residente ng Barangay Caliraya, na umapela sa mas mataas na hukuman at maghain ng temporary restraining order (TRO) at motion for Reconsideration (MR) upang mabawi ang kanilang mga ari-arian at ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupang sinasabing matagal na nilang tinitirhan at pagaari.

#BongRivera

#EdjunMariposque

DREAMSTAR TV

🏥 PANHERO ANG TAMANG LANDAS DRUG REHABILITATION AND TREATMENT CENTER 🏥

DOH Accredited: 4A-003-2325-DR-2
📍 Sta. Rosa-Tagaytay Road, Brgy. Lumil, Silang, Cavite

At the Panhero Tamang Landas Rehabilitation Center, we are not just a rehabilitation center. In addition to prioritizing improvement and recovery, we also emphasize the value of education. We are now offering ALS and TESDA short courses for our patients to pursue, whether they are currently at the center or after completing their required stay for recovery.

TOP REHABILITATION FACILITY
🏆 Gintong Parangal
🏆 Philippines Golden Eagle Awards
🏆 Asian Top Choice Awards

HIGHLIGHTS
✅ Air-conditioned Facility
✅ Admin Room
✅ Comfortable Bedrooms with 4 patients maximum per roof
✅ Clinic and Pharmacy
✅ Family Room for Engagements and Life Coaching

SERVICES
✔️ Individual Counseling Sessions
✔️ Group Therapy Sessions
✔️ Medication Assisted Treatment
(Manage withdrawal symptoms and reduce cravings)
✔️ Medical Exams and Laboratories (Complete package)
A. Physical Examination
B. X-ray, ECG, VDRL etc.
C. Drug Test
D. Drug Dependency Exam
✔️ Psychiatric and Psychological Evaluation
✔️ Family Therapy Sessions
✔️ Life Skills Training
✔️ Recreational Activities
✔️ Spiritual Program
✔️ Alternative Learning System (ALS) DEPED
✔️ Skills Training (TESDA Certificate)
✔️ Aftercare Program

24/7 CARE ASSISTANCE
🏥 Mental Care Treatment with Licensed/Accredited Professionals
🏥 Dental Care
🏥 Laboratory & Diagnostic Care
🏥 Pharmaceutical Care

AMENITIES & OTHER ACTIVITIES
🍿 Movie
👯 Zumba Session
🎹 Piano
🏋🏻‍♂️ Gym and Physical Fitness Equipment
🎱 Billiard and Pool table
🏓 Table Tennis Table
🏀 Basketball Court
🏐 Volleyball
🏸 Badminton
♟️ Board games
🎸 Drums and Guitars
🌿 Gardening

PAYMENTS
💳 Credit cards
💳 Grab Pay QR Code
💳 BDO Pay
💳 GCash
💳 Alipay
💳 Maya

CALL TO CONTACT
☎️ PLDT: (046) 889-8978
☎️ SMART: (0999) 990-9096
☎️ GLOBE: (0917) 539-8883

Start your recovery with us TODAY!






Contact #: 09171180238

January 2026
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending