Ni Madeliene B. Marasigan


Pagsanjan, Laguna- Noong nakaraang Biyernes ika-14 Oktubre 2022 ay pinasinayaan ang Tingog Party List satellite office sa CLA Mall Brgy. Biñan Pagsanjan Laguna kasabay din nito ang pamamahagi ng mga livelihood package katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).


Ang programa ay pinangunahan ni Pagsanjan Mayor Cesar Areza kasama sina Vice Mayor Terryl O. Gamit-Talabong at mga miyembro ng sangunian bayan.


Dumalo sa nasabing programa sina Consultant on Social Services and Promotions office of the Speaker Martin Romualdez at Tingog Party List Rep. Ms. Karla Estrada, DOLE Region 4-A Director Exequiel Ronie A. Guzman CESO IV, DOLE Provicial Director Guido Recio, mga opisyales ng 16 na barangay, TUPAD at Livelihood beneficiaries.


Ayon kay Mayor Areza, napapanahon ng maibalik muli ang Pagsanjan sa 8th wonders of the world at malaking tulong ang magagawa ng nasyonal na pamahalaan upang maisakatuparan ang layuning ito.
“Malaking pagpapala ang dinala ng Tingog Partylist dahil hindi lamang finacial assistance ang ibibigay sa atin pati na rin po mga livelihood” ani Areza


Ayon naman kay Tingog Rep. Karla Estrada, mabilis nilang maipa-aabot ang tulong sa mga mamayan ng Pagsanjan dahil sa satellite office na ipinagkaloob ni Mayor Areza sa kanila.
Ayon pa kay Karla, handang tumulong ang Tingog Partylist upang tuluyang maging kongkretong daan na ang hanging bridge sa Brgy. Magdapio.


Ilan sa mga livelihood package na ipinamahagi ay nail and spa package, soap making package, perfume making package, tshirt printing package, pares package, street food package.


Samantala, noong nakaraang Martes ay naging panauhin ni Mayor Areza ang ilan sa mga Korean diplomats.


Ayon kay Mayor Areza, maganda ang resulta ng pagbisita ng mga Korean Diplomats sa bayan ng Pagsanjan, kanilang napagusapan ang pagkakaroon ng sisterhood o kasunduan sa pagitan ng bayan ng Pagsanjan at Haeundae-gu, Busan South Korea na magbibigay daan sa mga proyektong magpapaasenso at magpapaunlad sa bawat Pagsanjeno.





Leave a comment

Trending