57 personalidad ang arestado sa One Day Laguna PNP Provincewide Anti Criminality Operations


Kampo Heneral Paciano Rizal –Laguna PNP sa pamumuno ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO, arestado ang 57 personalidad sa One Day Laguna PNP Provincewide Anti Criminality Operations, kahapon Nobyembre 3, 2022.


Sa Anti-Illegal Drugs Operations ng iba’t ibang istasyon ng pulisya ng Laguna PNP, naaresto ang 19 drug personality, sa naisinagawa nitong 14 operasyon sa buong probinsiya, kumpiskado naman ang 6.47 gramo ng hinihinalang shabu at 0.2 gramo ng hinihinalang marijuana na may pinagsamang kabuuang halaga na aabot sa Php 49,090.00.


Sa Anti-Illegal Gambling Operations ng Laguna PNP ay nagresulta sa pagkakaaresto sa 15 na indibidwal sa naisinagawa nitong 15 operasyon sa buong probinsiya, nakumpiska naman ang PHP 7,560.00 na kabuuang halaga ng bet money.


Samantala sa kampanya naman laban sa Most Wanted and Other Wanted Persons, kahapon ay nagsagawa ang Laguna PPO ng Warrant Day na nagresulta sa pagkakaaresto ng 23 na akusado, kabilang dito ang dalawang (2) Regional Level Most Wanted Persons, dalawang (2) Provincial Level Most Wanted Person, limang (5) City /Municipal Level Most Wanted Person at labing-apat (14) na Other Wanted Persons.


Ayon sa pahayag ni PCol Silvio, “Ang mga accomplishments na ito ay nagsisilbing babala sa ating mga kababayan na patuloy na gumagawa at tumatangkilik sa mga iligal na gawain, maging sa mga indibidwal na may warrant of arrest na ang lalawigan ng Laguna ay hindi ligtas na lugar upang inyong pagtaguan. Asahan po ng ating mga kababayan na ang Laguna PNP ay patuloy na ipapatupad ang mga umiiral na batas sa ating Lalawigan. #gtgtalampas
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo





Leave a comment

Trending