Base sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, dalawang katao ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Nasugbu Municipal Police Station dakong alas 7:55 ng gabi ng Nobyembre 9, 2022 sa Zalvadea Street, Barangay 6, Nasugbu, Batangas kung saan nasamsam ang 2 pakete ng shabu, isang kalibre .38 na baril na walang serial number at mga bala.

Kinilala ang mga suspek na sina Crisanto Sumanguid y Roma, 38 taong gulang, walang trabaho at Jeffrey Tenorio y Magallanes, 26 na taong gulang, drilling service, at pawang mga residente ng Barangay Putat, Nasugbu, Batangas.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Nasa kustodiya ng Nasugbu Municipal Police Station ang mga naturang suspek at sasailalim sa drugtest samantalang ang mga narekober na ibedensiya ay sasailalim sa pagsusuri ng Batangas Provincial Forensic Unit.

“Agresibo ang kapulisan sa pagsasagawa ng anti-criminality law enforcement operations para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa probinsya. Kung kayo ay may mahalagang impormasyon hinggil sa mga taong sangkot sa mga iligal na gawain ay ipagbigay-alam lamang sa mga awtoridad. Tuwina ay pairalin natin ang malasakit para maging ligtas ang lahat sa banta ng kriminalidad at makamit ang kaunlaran sa ating komunidad.” –PCOL SOLIBA





Leave a comment

Trending