Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang apat (4) na personalidad sa ikinasang buy bust Operation ng Famy MPS kaninang hapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na si alyas Rodney, alyas Bryan, alyas Joedibal, alyas Resty lahat residente ng Famy, Laguna.

Ayon sa report ng Famy Municipal Police Station ay nagkasa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation kanina sa ganap na 4:00 ng hapon sa may Brgy. Bulihan Famy Laguna na nagresulta sa pagkaresto ng mga suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa mga naaresto ang limang (5) pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang ng 5gramo at nagkakahalaga ng Php 10,000, isang (1) pirasong leather pouch colored black na naglalaman ng Php 500, at narekober naman ang sa mga suspek ang buy bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Famy MPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ibidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Pulis Laguna at Mamayan ng Laguna tayo po ay patuloy na magtulungan para sa masmabilis ng pagkahuli sa mga patuloy na gumagamit o nagbebenta ng iligal na droga.#gtgtalampas

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPKakampiMo

pnp4a





Leave a comment

Trending