Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang (2) personalidad sa ikinasang buy-bust Operation ng Calamba CPS kahapon Nobyembre 17, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na si alyas Kris at alyas Robin pawang mga residente ng Calamba City Laguna.

Sa ulat ng Calamba City Police Station ay nagkasa sila ng anti-illegal drugs buy-bust operation sa ganap na 7:26 ng gabi Nobyembre 17, 2022 sa Purok 6, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna na nagresulta sa pagkaresto ng mga suspek matapos magsabwatan sa pagbenta ng hinihinalang illegal na droga sa awtoridad na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat (4) na pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga (shabu) na may timbang ng 3 gramo at nagkakahalaga ng Php 20,400.00, isang (1) pirasong metal canister, Php 500 buy-bust money at limang (5) piraso ng Php50 hinihinalang drug money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga suspek sa kasong R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Patuloy po ang Laguna PNP sa operasyon kontra ilegal na droga dahil sa patuloy na pakikipagtulungan ng ating pamayanan ay matagumpay at mabilis na nahuhuli ang mga drug personalities. #gtgtalampas

LifeIsBeautiful KaligtasanNyoSagotKo TulongTulongTayo |#MKKequalsK PNPKakampiMo





Leave a comment

Trending