Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Rank No. 1 at No. 2 Regional Most Wanted Person ng CALABARZON, arestado sa magkahiwalay na operasyon ng Laguna PNP.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga akusado na sina alyas John residente ng Majayjay, Laguna, alyas Dennis residente ng Biñan City, Laguna.

Sa ulat ng Majayjay Municipal Police Station nagkasa sila ng isang manhunt operation sa akusadong si alyas John na nakatala bilang Rank no.1 Regional level most wanted person ganap na 2:00 ng hapon Nobyembre 17, 2022 sa Brgy. Olla, Majayjay, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng nasabing akusado nakumpiska din sa kanya ang isa (1) pirasong cal .38 Revolver kargado ng isang (1) bala, dalwang (2) piraso ng bala na nasa loob ng kulay brown sling bag. Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Mary Jean Tibo Cajandab-Presiding Judge of RTC Br 26, Sta Cruz, Laguna. Nahaharap ang akusado sa kasong “Qualified Statutory Rape” na walang pyansang nirekomenda. Samatala inihahanda naman ng Majajay MPS ang mga kaukulang dokumento para sa hiwalay na reklamo laban sa akusado na kaugnay sa RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Ayon naman sa Biñan City Police Station nagsagawa sila ng joint manhunt operation kasama ang RIU4-A PIT Laguna PNP-IG sa ganap na 12:50 ng hapon Nobyembre 17, 2022 sa Brgy. Platero, Biñan City, Laguna na nagresulta sa pagkaaresto ng akusadong si alyas Dennis. Nakatala bilang Rank no. 2 Regional level most wanted person sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Armin Noel B. Villamonte, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 155, Biñan City, Laguna. Nahaharap ang akusado sa kasong Rape na walang pyansang nirekomenda.

Ang mga arestadong akusado ay kasalukuyan nasa kustodiya ng kani-kanilang mga Operating Unit habang ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng mga akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Sa pagkaaresto ng mga akusadong ito ay mabibigyang hustisya na ang kanilang na biktima at gusto ko pong ipaabot na hindi po titigil ang Laguna PNP sa mga operasyon laban sa mga nagtatago sa batas.”#gtgtalampas

#LifeIsBeautiful #KaligtasanNyoSagotKo TulongTulongTayo MKKequalsK PNPKakampiMo pnp4a





Leave a comment

Trending