Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang walong (8) indibidwal sa Operasyon Kontra Illegal Number Games sa isinagawang joint operation ng Bay MPS at RSOU 4A kahapon Nobyembre 20, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na si alyas Carlo, alyas Jonathan, alyas Don Don, alyas Nelson, alyas Jerry, alyas Danilo, alyas Jude, alyas Mauro.

Ayon sa ulat ng Bay Municipal Police Station nagkasa sila ng anti-illegal gambling operation kasama ang RSOU PRO4A kahapon Nobyembre 20, 2022 sa ganap na 12:45 ng tanghali sa may Purok 2, Brgy., Tranca, Bay, Laguna matapos mamataan sa aktong nag ooperate ng ipinagbabawal na illegal number games.

Nakumpiska sa mga supek ang mga gambling paraphernalia at gambling money na aabot sa Php11,680 pesos, at nakumpiska naman kay alyas Carlo ang mga drug paraphernalia.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Bay MPS at nahaharap sa kasong kriminal na RA 9287 an act Increasing the Penalties for Illegal Numbers Games habang sasampahan naman ng kasong RA 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 si alyas Carlo.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Malaking tulong ang mga impormasyon ng komunidad para sa tagumpay ng operasyon ng PNP kaya patuloy tayong magtutulungan para sa kapayapaan at kaayusan. Tinitiyak namin sa publiko na hindi kukunsintihin ng Laguna PNP ang mga lumalabag sa batas.”#gtgtalampas #LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

|#MKKequalsK

PNPKakampiMo

pnp4a





Leave a comment

Trending