Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang Barangay Kagawad at ang kanyang kasabwat sa pagbebeta ng ipinagbabawal na droga sa ikinasang buy-bust Operation ng Lumban Laguna noong Nobyembre 23, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga akusado na si alyas Len, Barangay Kagawad at si alyas Walter, pawang mga residente ng Lumban Laguna.

Ayon sa ulat ng Lumban Municipal Police Station nagkasa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation noong Nobyembre 23, 2022 sa ganap na 2:20 ng madaling araw sa Rizal St. Brgy. Maracta, Lumban, Laguna na nag resulta sa pagka aresto ng mga suspek matapos magbenta ng illegal na droga sa poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong (7) pirasong plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 0.20 gramo at may katumbas na halagang humigit kumulang Php3,500, isang (1) pirasong color black pouch na naglalaman ng Php 500, Isang (1) lighter, at drug paraphernalia, narekober naman sa mga suspek ang buy bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Lumban MPS ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang mga akusado sa kasong R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang laban ng Laguna PNP sa ilegal na droga ay walang pinipili na sinuman, kaya pinasasalamatan ko ang ating pamayanan ng Lumban Laguna sa pakikipag-tulungan sa ating mga kapulisan upang madakip mga personalidad na sangkot sa illegal na droga sa kanilang Bayan.”#gtgtalampas #LifeIsBeautiful





Leave a comment

Trending