1–2 minutes

Kampo Heneral Miguel C Malvar – Isang lalaki ang inaresto ng kapulisan ng Rosario Municipal Police Station matapos nitong saksakin ang kanyang tiyuhin pagkatapos ng kanilang inuman. Ayon sa ulat ni PCOL PEDRO D SOLIBA, Provincial Director, Batangas PPO, kay PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, Regional Director, PRO CALABARZON, matagumpay na napasakamay ng himpilan ng kapulisan ng Rosario ang suspek na kinilala bilang si Rodney Gruta y Capanay, 28 taong gulang, at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Marilag, Rosario. Batangas.

Bandang 2:45 ng madaling araw ng April 1, 2023 ay nakatanggap ng ulat mula sa MVM Hospital sa Barangay Namunga, Rosario, Batangas ang hotline ng Rosario MPS na isang lalaking nagngangalang Efren Gruta y Lesanggan, 56 taong gulang, tubong Sorsogon, at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Marilag, Rosario ang kanilang ginagamot matapos magtamo ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Agad na nagtungo ang mga imbestigador sa ospital na nabanggit upang beripikahin ang ulat. Lumabas sa imbestigasyon na sinamahan ng biktima na si Efren ang isa niyang kasamahan sa inuman pauwi ng kanilang bahay nang sila ay sundan ng suspek na si Rodney at pinagsasakasak ang bikitma na kanya ring tiyuhin. Nagtamo ng pitong stab wounds si Efren at kasalukuyang nasa Batangas Medical Center para sa patuloy na gamutan.

Samantala, matagumpay na naaresto ang suspek sa isinagawang follow up operations noong araw ding iyon. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Rosario MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

“Ipinapaalala po natin sa publiko na kung maaari ay iwasan po natin ang labis na pag-inom dahil wala po itong idinudulot na maganda kung hindi kadalasan ay disgrasya. Mas mainam pa kung ating pagtuunan ng oras ang ating pamilya. Sa kabilang banda, aking pinupuri ang mga tauhan ng Rosario MPS para sa agad na pagkakadakip ng suspek.” – PCOL SOLIBA #piobatangasppo #TeamPIO

SKY BeachCation






April 2023
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending