Mariing kinondena ng pamunuan ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang serye ng pagpaslang ng mga miyembro ng New People’s Army sa isang sundalo at isang CAA ngayong buwan ng Abril sa Mindoro.
Ito’y matapos walang awang patayin ng mga rebeldeng NPA si Pvt Mayuay Onaw habang papauwi, kasama ang dalawang anak at apat pang ibang sibilyan sa Sitio Mantay, Brgy. Monteclaro nito lamang Abril 25.
Papauwi na sana mula sa pamimili ng construction supplies si Pvt. Onaw na naka-assign sa 4IB na nakasibilyan at walang dalang armas at nakabakasyon lamang, nang
paputukan sila ng mga armadong indibidwal. Nagawang makatakas ng anim na biktima habang dinukot, samantalang piniringan at brutal na pinatay naman si Pvt Onaw.
Kilala bilang isang matulungin na miyembro ng tribong Tau-Buhid si Pvt. Onaw sa kanilang komunidad at malaki rin ang kanyang naging ambag hindi lamang sa pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan sa kanilang lugar kundi lalo na sa pagtulong sa kanyang mga ka-tribo.
Samantala, matatandaang si CAA James Ageles ay walang awang pinatay rin matapos kaladkarin at pagsasaksakin ng mga NPA sa kanyang bahay sa Sitio Kintangan sa barangay Iriron nito lamang Abril 3. Base sa ulat, pinangunahan nina Regional Operations Command head alias Saylo, Sub-Regional Military Area 4D Secretary alias Insay, Main Regional Guerilla Unit leader alias Busay, at SRMA 4D’s Platun Serna leader alias Lino ang brutal na pagpatay kay CAA Angeles na lubos namang ikinagalit ng mga kaanak nito.
Si CAA Donald Arieta naman ay napaulat na nawawala noong Pebrero 10 habang nangangaso sa Sitio Siraco sa barangay San Vicente, Oriental Mindoro. Samantala, si CAA Ruffy Avila kasama ang dalawang sibilyan na kinilalang sina Solomon Puroginto at Jolas Avila ay naiulat ding nawawala noong Enero 26 habang nangangaso rin sa Sitio Balan sa Barangay Ligaya, Sablayan Occidental Mindoro. Ang tatlo ay pawang mga katutubong Tao Buhid na residente ng Sitio Pusog, barangay Brigada ng nasabing bayan.
Ang sunod-sunod na insidente ng pagkawala ng mga CAA kasama ang mga sibilyan sa Mindoro ay inuu-ugnay sa bagong modus ng mga miyembro ng New People’s Army na “Oplan Paglilinis-Base Hatol Pamamarusa” na layong maghatid ng takot at kaguluhan sa mga komunidad.
Ang serye ng pagpatay ng NPA sa mga kasundaluhan at katutubo sa Mindoro ay hindi lamang lantarang pag-atake sa karapatang pantao, kundi sa mga katutubong namumuhay ng payapa at tahimik.
Lubos naman ang pakikiramay ni 2ID Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong sa mga pamilya at kaibigan ni Pvt. Onaw at CAA Angeles matapos na karumaldumal na patayin ng mga rebeldeng NPA. Aniya, patuloy silang magbibigay ng tulong sa mga naulila nina Pvt. Onaw at CAA Angeles kasabay ng pagsiguro ng hustisya para sa mga biktima. Hinikayat rin nito ang Commission on Human Rights at iba pang human rights advocacy groups na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa hindi makataong gawain ng mga miyembro ng New People’s Army.
Samantalang ang mga 2ID troopers ay walang pag-iimbot na ginagamot at binubuhay ang CPP-NPA-NDF na nahuhuli at nasusugatan sa labanan, ang mga teroristang CPP-NPA-NDF ay walang awang pumapatay sa mga walang laban at payapang katutubo ng Mindoro.
Nagbigay paalala rin si Maj. Gen. Capulong, sa mga komunidad na maging mapagmatyag at alerto hinggil sa bagong modus ng mga rebeldeng komunista.


- DATI NANG MAY KASONG DROGA, ARESTADO SA BUY-BUST NG SDEU CALOOCANby: RENZ PEDROCHE **** Isang matagumpay na anti-illegal drug buy-bust operation ang isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU)… Read more: DATI NANG MAY KASONG DROGA, ARESTADO SA BUY-BUST NG SDEU CALOOCAN
- 1.3-M HALAGA NG SHABU NASABAT NG QUEZON PULISby: BONG RIVERA **** QUEZON—Aabot sa 1.3 milyon pisong halaga ng shabu ang narekober ng Quezon PNP mula sa isang… Read more: 1.3-M HALAGA NG SHABU NASABAT NG QUEZON PULIS
- Mayor Ross Rizal Brings Clean and Reliable Water to Calambeño Ville 1 After 20 Years of Waiting**** by: Edjun Mariposque **** Under the leadership of Calamba City Mayor Roseller “Ross” H. Rizal, residents of Calambeño… Read more: Mayor Ross Rizal Brings Clean and Reliable Water to Calambeño Ville 1 After 20 Years of Waiting
- ISANG PULIS AT ISANG SUSPEK PATAY AT 2 PANG PULIS SUGATAN SA ENGKWENTROby: BONG RIVERA **** QUEZON—Isang pulis ang nasawi habang dalawa pang pulis ang sugatan matapos ang isang engkwentro sa pagitan… Read more: ISANG PULIS AT ISANG SUSPEK PATAY AT 2 PANG PULIS SUGATAN SA ENGKWENTRO
- Mayor Ross Rizal Leads Distribution of Special Development Fund and Incentives to Calamba Barangay Officials**** by: Edjun Mariposque **** CALAMBA CITY, Laguna — Under the leadership of Mayor Roseller “Ross” H. Rizal, the… Read more: Mayor Ross Rizal Leads Distribution of Special Development Fund and Incentives to Calamba Barangay Officials
- Pangilinan-led Luzon Tollways Steps Up Holiday Traffic Preparations, Offers Free Toll**** **** Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), concessionaire of NLEX, SCTEX in cooperation with BCDA, NLEX Connector, Manila-Cavite Expressway… Read more: Pangilinan-led Luzon Tollways Steps Up Holiday Traffic Preparations, Offers Free Toll
- Mayor Ross Rizal Leads Day 7 of Pamaskong Handog Distribution Across Calamba**** by: Edjun Mariposque **** CALAMBA CITY, Laguna — The City Government of Calamba continued spreading holiday cheer as… Read more: Mayor Ross Rizal Leads Day 7 of Pamaskong Handog Distribution Across Calamba
- Mass Shooting at Bondi Beach During Hanukkah Celebration Leaves Dozens Dead and Injured**** by: Edjun Mariposque **** Dec. 14, 2025 — A mass shooting at Bondi Beach in Sydney, Australia on… Read more: Mass Shooting at Bondi Beach During Hanukkah Celebration Leaves Dozens Dead and Injured
- QUEZON PULIS NAGBIGAY NG MAAGANG PAMASKO SA MGA LOLO AT LOLA SA SINAG KALINGA FOUNDATIONby: BONG RIVERA **** QUEZON — Maagang naramdaman ang diwa ng kapaskuhan ng mga lolo at lola na nasa pangangalaga… Read more: QUEZON PULIS NAGBIGAY NG MAAGANG PAMASKO SA MGA LOLO AT LOLA SA SINAG KALINGA FOUNDATION
- GSIS Opens Calamba Service Desk at City Hall, Bringing Government Services Closer to Calambeños**** by: Edjun Mariposque **** Government service delivery in Calamba City took a major step forward with the official… Read more: GSIS Opens Calamba Service Desk at City Hall, Bringing Government Services Closer to Calambeños
- Over 7,000 Tricycle Drivers Receive “Tulong Gulong” on Second Day of Distribution under Mayor Roseller “Ross” H. Rizal**** by: Edjun Mariposque **** Calamba City, Laguna — More than 7,000 Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) members… Read more: Over 7,000 Tricycle Drivers Receive “Tulong Gulong” on Second Day of Distribution under Mayor Roseller “Ross” H. Rizal
- Mayor Ross Rizal Rolls Out “Tulong Gulong” Program, Aiding 1,770 Tricycle Drivers in Calamba City**** by: Edjun Mariposque **** CALAMBA CITY, Laguna — The City Government of Calamba has officially launched the “Tulong… Read more: Mayor Ross Rizal Rolls Out “Tulong Gulong” Program, Aiding 1,770 Tricycle Drivers in Calamba City
- TATLONG LALAKI, ARESTADO SA CARA Y CRUZ AT ILLEGAL NA DROGA SA CALOOCANby: RENZ PEDROCHE **** Caloocan City — Arestado ang tatlong lalaki matapos maaktuhan sa paglalaro ng cara y cruz… Read more: TATLONG LALAKI, ARESTADO SA CARA Y CRUZ AT ILLEGAL NA DROGA SA CALOOCAN
- PSR-listed CTG Member, Voluntarily Surrendered in Kalinga**** **** Kalinga – On November 28, 2025, personnel from 11SAB of this Unit together with Pinukpuk Municipal Police… Read more: PSR-listed CTG Member, Voluntarily Surrendered in Kalinga
- SSS Disburses P18.8 Billion 13th Month Pension to Over 3.6 Million Beneficiaries Nationwide**** by: Edjun Mariposque **** Quezon City, Philippines — December 9, 2025 — Millions of Filipino senior citizens received… Read more: SSS Disburses P18.8 Billion 13th Month Pension to Over 3.6 Million Beneficiaries Nationwide
- QUEZON PROVINCIAL POLICE OFFICE NAGLUNSAD NG SARILING GULAYANby: BONG RIVERA **** QUEZON — Bilang tugon sa tumataas na presyo ng pagkain at pangangailangan sa mas matibay na… Read more: QUEZON PROVINCIAL POLICE OFFICE NAGLUNSAD NG SARILING GULAYAN
- “Pamaskong Handog 2025” Kicks Off: Mayor Ross Rizal Calls for Unity, Love, and Gratitude This Christmas**** by: Edjun Mariposque **** Calamba City, Laguna — December 10, 2025Calamba City officially began the distribution of “Pamaskong… Read more: “Pamaskong Handog 2025” Kicks Off: Mayor Ross Rizal Calls for Unity, Love, and Gratitude This Christmas
- Kapitana Joanne De Mesa Leads House-to-House Distribution as Mayor Ross Rizal’s “Pamaskong Handog 2025” Reaches Barangay II**** by: Edjun Mariposque **** The spirit of Christmas came alive as the Pamaskong Handog 2025 of Calamba City… Read more: Kapitana Joanne De Mesa Leads House-to-House Distribution as Mayor Ross Rizal’s “Pamaskong Handog 2025” Reaches Barangay II
- TRUCK NAWALAN NG PRENO MOTORSIKLO INARARO BAGO NAHULOG SA BANGIN 8 SUGATANby: BONG RIVERA **** QUEZON — Walong tao ang sugatan matapos mawalan ng preno ang isang trak, at araruhin ang… Read more: TRUCK NAWALAN NG PRENO MOTORSIKLO INARARO BAGO NAHULOG SA BANGIN 8 SUGATAN
- SANGGOL INABANDONA SA LOOB NG KULUNGAN NG BABOYby: BONG RIVERA **** BICOL — Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Calabanga Municipal Police Station matapos madiskubre ang buhay na… Read more: SANGGOL INABANDONA SA LOOB NG KULUNGAN NG BABOY

























Leave a comment