Mariing kinondena ng pamunuan ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang serye ng pagpaslang ng mga miyembro ng New People’s Army sa isang sundalo at isang CAA ngayong buwan ng Abril sa Mindoro.
Ito’y matapos walang awang patayin ng mga rebeldeng NPA si Pvt Mayuay Onaw habang papauwi, kasama ang dalawang anak at apat pang ibang sibilyan sa Sitio Mantay, Brgy. Monteclaro nito lamang Abril 25.
Papauwi na sana mula sa pamimili ng construction supplies si Pvt. Onaw na naka-assign sa 4IB na nakasibilyan at walang dalang armas at nakabakasyon lamang, nang
paputukan sila ng mga armadong indibidwal. Nagawang makatakas ng anim na biktima habang dinukot, samantalang piniringan at brutal na pinatay naman si Pvt Onaw.
Kilala bilang isang matulungin na miyembro ng tribong Tau-Buhid si Pvt. Onaw sa kanilang komunidad at malaki rin ang kanyang naging ambag hindi lamang sa pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan sa kanilang lugar kundi lalo na sa pagtulong sa kanyang mga ka-tribo.
Samantala, matatandaang si CAA James Ageles ay walang awang pinatay rin matapos kaladkarin at pagsasaksakin ng mga NPA sa kanyang bahay sa Sitio Kintangan sa barangay Iriron nito lamang Abril 3. Base sa ulat, pinangunahan nina Regional Operations Command head alias Saylo, Sub-Regional Military Area 4D Secretary alias Insay, Main Regional Guerilla Unit leader alias Busay, at SRMA 4D’s Platun Serna leader alias Lino ang brutal na pagpatay kay CAA Angeles na lubos namang ikinagalit ng mga kaanak nito.
Si CAA Donald Arieta naman ay napaulat na nawawala noong Pebrero 10 habang nangangaso sa Sitio Siraco sa barangay San Vicente, Oriental Mindoro. Samantala, si CAA Ruffy Avila kasama ang dalawang sibilyan na kinilalang sina Solomon Puroginto at Jolas Avila ay naiulat ding nawawala noong Enero 26 habang nangangaso rin sa Sitio Balan sa Barangay Ligaya, Sablayan Occidental Mindoro. Ang tatlo ay pawang mga katutubong Tao Buhid na residente ng Sitio Pusog, barangay Brigada ng nasabing bayan.
Ang sunod-sunod na insidente ng pagkawala ng mga CAA kasama ang mga sibilyan sa Mindoro ay inuu-ugnay sa bagong modus ng mga miyembro ng New People’s Army na “Oplan Paglilinis-Base Hatol Pamamarusa” na layong maghatid ng takot at kaguluhan sa mga komunidad.
Ang serye ng pagpatay ng NPA sa mga kasundaluhan at katutubo sa Mindoro ay hindi lamang lantarang pag-atake sa karapatang pantao, kundi sa mga katutubong namumuhay ng payapa at tahimik.
Lubos naman ang pakikiramay ni 2ID Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong sa mga pamilya at kaibigan ni Pvt. Onaw at CAA Angeles matapos na karumaldumal na patayin ng mga rebeldeng NPA. Aniya, patuloy silang magbibigay ng tulong sa mga naulila nina Pvt. Onaw at CAA Angeles kasabay ng pagsiguro ng hustisya para sa mga biktima. Hinikayat rin nito ang Commission on Human Rights at iba pang human rights advocacy groups na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa hindi makataong gawain ng mga miyembro ng New People’s Army.
Samantalang ang mga 2ID troopers ay walang pag-iimbot na ginagamot at binubuhay ang CPP-NPA-NDF na nahuhuli at nasusugatan sa labanan, ang mga teroristang CPP-NPA-NDF ay walang awang pumapatay sa mga walang laban at payapang katutubo ng Mindoro.
Nagbigay paalala rin si Maj. Gen. Capulong, sa mga komunidad na maging mapagmatyag at alerto hinggil sa bagong modus ng mga rebeldeng komunista.


- TULAK NG DROGA AT MAGNANAKAW NG MANOK NA PANABONG ARESTADOby: BONG RIVERA **** QUEZON — Arestado sa drug buy bust operation ng mga operatiba ng Intelligence Pagbilao PNP ang… Read more: TULAK NG DROGA AT MAGNANAKAW NG MANOK NA PANABONG ARESTADO
- 5,000 Farmers, Fisherfolk Receive Rice Aid; 2,076 Sacks of Fertilizer Distributed in Calamba**** by: Edjun Mariposque **** CALAMBA CITY, Laguna — A total of 5,000 farmers and fisherfolk in Calamba City… Read more: 5,000 Farmers, Fisherfolk Receive Rice Aid; 2,076 Sacks of Fertilizer Distributed in Calamba
- 149K NA HALAGA NG SHABU, ISANG LALAKI NA SLI, ARESTADO NG DDEU SA CALOOCANby: RENZ PEDROCHE **** Arestado sa anti-Illegal buy-bust operation Ang isang lalaki na kinilalang (SLI) sa lugar ng Block… Read more: 149K NA HALAGA NG SHABU, ISANG LALAKI NA SLI, ARESTADO NG DDEU SA CALOOCAN
- Cayetano nagbabala sa pagbabago ng voting threshold sa impeachment trial**** **** Nagbabala si Senator-Judge Alan Peter Cayetano nitong Lunes laban sa pagbabago ng bilang ng boto na kailangan… Read more: Cayetano nagbabala sa pagbabago ng voting threshold sa impeachment trial
- Suspect in Death of 20-Year-Old Student in Calamba Arrested; Homicide Case Filed**** by: Edjun Mariposque **** CALAMBA CITY, LAGUNA — Police have arrested a 19-year-old man in connection with the… Read more: Suspect in Death of 20-Year-Old Student in Calamba Arrested; Homicide Case Filed
- PDEA, PNP, PCG SEIZE ₱40.8M WORTH OF SHABU IN TAYTAY BUY-BUST; HEAVILY ARMED DRUG SYNDICATE NEUTRALIZED**** **** Anti-narcotics operatives seized approximately six kilograms of suspected methamphetamine hydrochloride, or shabu, valued at an estimated ₱40.8… Read more: PDEA, PNP, PCG SEIZE ₱40.8M WORTH OF SHABU IN TAYTAY BUY-BUST; HEAVILY ARMED DRUG SYNDICATE NEUTRALIZED
- Cayetano pabor sa pagsali ng Pilipinas sa maritime rescue treaty para protektahan ang Filipino seafarers**** **** Pabor si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa pagsali ng Pilipinas sa International Convention on Maritime… Read more: Cayetano pabor sa pagsali ng Pilipinas sa maritime rescue treaty para protektahan ang Filipino seafarers
- ATM NG BANGKO TINIRA NG TERMITE GANGby: BONG RIVERA **** QUEZON — Nilooban at pinagnakawan ng hindi pa nakikilalang mga suspek na pinaniwalaang miyembro ng Termite… Read more: ATM NG BANGKO TINIRA NG TERMITE GANG
- 49 Calambeños Receive Land Titles, Bringing Homeownership Dreams to Reality**** by: Edjun Mariposque **** CALAMBA CITY, LAGUNA — Forty-nine Calambeños have taken a major step toward secure homeownership… Read more: 49 Calambeños Receive Land Titles, Bringing Homeownership Dreams to Reality
- PDEA, PNP BATANGAS DISMANTLE DRUG DEN IN SAN JUAN; 3 ARRESTED**** **** The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Batangas Provincial Office, in coordination with the San Juan Municipal Police… Read more: PDEA, PNP BATANGAS DISMANTLE DRUG DEN IN SAN JUAN; 3 ARRESTED
- ₱10.8 M National Fund Boosts 54 Calamba Barangays Under ‘Bawat Bayan Makikinabang’**** by: Edjun Mariposque **** CALAMBA CITY, LAGUNA — A total of ₱10.8 million in national government assistance has… Read more: ₱10.8 M National Fund Boosts 54 Calamba Barangays Under ‘Bawat Bayan Makikinabang’
- Three Women Arrested in Calamba for Alleged Illegal Tong-its Gambling**** by: Edjun Mariposque **** CALAMBA CITY, LAGUNA — Three women were arrested by police operatives during an anti-illegal… Read more: Three Women Arrested in Calamba for Alleged Illegal Tong-its Gambling
- Mayor Ross Rizal Brings Relief, Walkways to Flood-Affected Families in Calamba**** by: Edjun Mariposque **** CALAMBA CITY, LAGUNA — Mayor Roseller “Ross” H. Rizal led the continued response of… Read more: Mayor Ross Rizal Brings Relief, Walkways to Flood-Affected Families in Calamba
- Calamba Police Arrest 45-Year-Old Man, Seize ₱3,400 Worth of Suspected Shabu in Looc**** by: Edjun Mariposque **** CALAMBA CITY, LAGUNA — A 45-year-old man was arrested after police operatives allegedly caught… Read more: Calamba Police Arrest 45-Year-Old Man, Seize ₱3,400 Worth of Suspected Shabu in Looc
- Calamba Police Arrest 50-Year-Old Man in STL Bookies Operation**** by: Edjun Mariposque **** CALAMBA CITY, LAGUNA — A 50-year-old tricycle driver was arrested by police during an… Read more: Calamba Police Arrest 50-Year-Old Man in STL Bookies Operation
- MENOR DE EDAD NA LALAKI AT ISA PA PATAY SA PAMAMARIL**** by: Bong Rivera **** QUEZON — Kapwa agad na nasawi ang dalawang biktima matapos pagbabarilin ng suspek na… Read more: MENOR DE EDAD NA LALAKI AT ISA PA PATAY SA PAMAMARIL
- SM Group receives 15 Philippine Quill Awards for stakeholder communications**** **** PASAY CITY, Philippines, 07 September 2026 — SM Group companies received 15 Philippine Quill Awards, including six… Read more: SM Group receives 15 Philippine Quill Awards for stakeholder communications
- Calamba City Police Station Named Laguna’s Best Component City Police Station for August**** by: Edjun Mariposque **** Calamba City, LAGUNA — The Calamba City Police Station (CCPS) under the leadership of… Read more: Calamba City Police Station Named Laguna’s Best Component City Police Station for August
- 119K NA HALAGA NG SHABU, ISANG LALAKI NA SLI, ARESTADO NG DDEU SA CALOOCANby: RENZ PEDROCHE **** Arestado sa anti-Illegal buy-bust operation Ang isang lalaki na kinilalang (SLI) sa Lugar ng Alhuda… Read more: 119K NA HALAGA NG SHABU, ISANG LALAKI NA SLI, ARESTADO NG DDEU SA CALOOCAN
- ILIGAL NA MINAHAN AT GOLD PROCESSING PLANT SINALAKAY NG NBIby: BONG RIVERA **** QUEZON — Sa bisa ng search warrant number 2026-34 na ipinalabas ng RTC Gumaca nitong nakaraang … Read more: ILIGAL NA MINAHAN AT GOLD PROCESSING PLANT SINALAKAY NG NBI

























Leave a comment