1–2 minutes

Kumpiskado ang isang kalibre Bruni MOD 92 cal 8mm pistol at isang 9 mm pistol pawang mga walang serial number mula sa isang lalaki matapos magsagawa ng Search Warrant ang mga tauhan ng Lipa City Police Station dakong alas 4:45 ng hapon ng Mayo 26, 2023 sa Barangay Bagong Pook, Lipa City, Batangas.

Base sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel RAINERIO M DE CHAVEZ kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General CARLITO M GACES, ang naarestong suspek ay nakilala bilang si alyas Renato, 40 taong gulang at residente ng Brgy. Bagong Pook, Lipa City.

Kasama sa iba pang narekober sa suspek ang ilang mga magazine, mga bala, at sling bag. Kasalukuyang nasa kostudiya na ng mga awtoridad ang suspek. Nahaharap naman siya sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

“Patuloy na pinag-iibayo ng kapulisan ang kampanya nito kontra kriminalidad. Ang inyong suporta at pakikiisa sa PNP ay malaking tulong para maging ligtas, payapa, at maunlad ang ating komunidad.” -PCOL DE CHAVEZ
###piobatangasppo
###TeamPIO



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending