2–3 minutes

Napanatili pa rin ng Bagyong Betty (MAWAR) ang lakas nito habang mabagal na kumikilos papalapit sa silangang bahagi ng #ExtremeNorthernLuzon. Huling namataan ito sa layong 445km East of Calayan, #Cagayan. Taglay parin ng Bagyong Betty ang lakas ng hangin nito na umaabot sa 155km/h at may pagbugso ng hangin na umaabot naman sa 190km/h. Kumikilos ito sa direksyong pa-Hilaga, Hilagang Kanluran o North, Northwestward movement sa Bilis na 10km/h.

Dahil sa bagyong Betty, asahan na ang mas masungit na lagay ng panahon simula ngayong gabi hanggang sa susunod na 2 araw sa #Batanes at #Cagayan. Inaasahan din na makakaranas ng malalakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin ang halos buong #NorthernLuzon dahil sa outer rainbands at sa malawak na sakop ng bagyo.

Sa ngayon ay nakataas pa rin ang TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL #2 sa #ExtremeNorthernLuzon habang TCWS#1 naman ang nakataas sa malaking bahagi ng #NorthernLuzon at sa ilang bahagi ng #BicolRegion dahil sa paglawak at paglapad ng sirkulasyon nito.

TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS (TCWS) IN EFFECT
TCWS No. 2
Wind threat: Gale-force winds

Luzon
Batanes
and the northeastern portion of Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) including Babuyan Islands

TCWS No. 1
Wind threat: Strong winds

Luzon
The rest of mainland Cagayan
Isabela
Apayao
Ilocos Norte
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
the northern and central portions of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler)
Quirino
the northeastern portion of Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio)
the northern portion of Catanduanes (Caramoran, Viga, Gigmoto, Panganiban, Bagamanoc, Pandan)
the northeastern portion of Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, Siruma)
Pollilo Islands
the northern portion of Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga, Talisay, Daet, Mercedes, Basud)
and the northern and central portions of Ilocos Sur (Gregorio del Pilar, Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Cervantes, Burgos, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, Sigay, San Ildefonso, Galimuyod, Quirino, City of Vigan, San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Santa Maria, Narvacan, Salcedo, City of Candon)

Samantala, inaasahang unti-unti na ring makakaranas ng mga pag-ulan na may paminsang-minsang pagbugso ng hangin sa kanlurang bahagi ng #Luzon; #CentralLuzon, #CALABARZON, #MIMAROPA, kasama na dito ang #MetroManila at maging sa kanlurang bahagi ng #Visayas at #Mindanao simula bukas at posible hanggang sa araw ng Huwebes o Biyernes dahil sa mabagal na pagkilos ng bagyo at sa paghatak nito sa Hanging Habagat na posibleng magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga mabababang lugar.

Inaasahang makalalabas na ng PAR ang bagyong Betty sa araw ng Biyernes o Sabado.

MAG-INGAT PO ANG LAHAT! 🙏



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending