1–2 minutes

Arestado ang dalawang Street Level Individual (SLI) sa isinagawang Anti-illegal Drug Buy-Bust Operation ng Calamba PNP Kahapon Hunyo 20, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Reymart at Jessa kapwa residente ng Calamba City, Laguna.

Ayon sa ulat ni PLTCOL MILANY E MARTIREZ, hepe ng Calamba City Police Station nag sagawa ang kanilang Drug Enforcement Unit personnel ng drug buy-bust operation kahapon Hunyo 20,2023 sa ganap na 8:37 ng gabi sa Purok 3A, Brgy. Pansol, Calamba City, Laguna na nag resulta sa pagkakadakip nila alyas Reymart at Jessa matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa polices poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat (4) na pirasong plastic sachet na hinihinalang illegal na droga na may timbang na aabot sa 6.50 gramo at may halagang humigit kumulang Php 44,200.00, isang coin purse na may lamang Php 300.00, narekober din sa mga suspek ang buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kostudiya ng Calamba CPS ang arestadong mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002” samantala ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Bilang pagtalima sa kautusan at panawagan ng ating Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR, kaya akin hinihiyat ang ating komunidad na tayo ay magtulungan para mas maging matibay ang samahan ng pulis at kumonidad at para mabigyan ng agaran aksyon ang inyong bawat sumbong upang mas mapanatili natin ang kapayapaan dito sa laalwigan ng Laguna. #gtgacana
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending