1–2 minutes

Apatnapu’t-apat (44) na indibidwal na pinaghahanap ng batas ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon Police Provincial Office sa tuloy-tuloy na kampanya nito laban sa wanted person.

Ayon kay PCOL Ledon D Monte, sa isang linggong manhunt operation na ikinasa ng Quezon PNP simula Hunyo 11 hanggang 18 ng taong kasalukuyan ay nakaaresto sila ng 44 na wanted person, na kinabibilangan ng sampung (10) indibidwal na nakatala bilang Most Wanted Person.

Batay sa datus ng Provincial Investigation and Detective Management Unit (PIDMU) ng Quezon PPO, sa nasabing isang linggong operasyon, ang Lucena CPS na nakahuli ng labing dalawang (12) wanted person ang nakapagtala ng pinaka mataas na bilang ng mga huli. Sinundan naman ito ng Candelaria MPS, Pagbilao MPS at Quezon MPS na nakahuli ng tig-aapat (4) na wanted person.

Samantala, sa sampung (10) Most Wanted Person na nahuli, isa (1) dito ang nakatala sa Regional Level, apat (4) naman sa Provincial Level, isa (1) sa City Level, at apat (4) rin sa Municipal Level.

Sa kanyang mensahe, muling pinaalalahanan ni PCOL Monte ang mga kapulisan ng Quezon PPO na mas lalo pa nilang paigtingin ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad.
Umapela rin ang Provincial Director sa mga mamayan ng Quezon para sa patuloy na suporta sa iba’t ibang programa ng Quezon PPO para mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lalawigan ng Quezon.
“Mas palakasin pa natin ang ating mga anti-criminality measures tulad ng pagpapatrol at community engagement.

Lalong magiging epektibo ang ating mga ginagawa kung katulongan natin ang ating mga kababayan. Mas palakasin din natin ang kampanya laban sa kriminalidad, lalo na sa laban natin sa Wanted Person, Loose Firearms at Illegal Drugs,” paalala ni PCOL Monte sa kanyang mga kasama sa Quezon PPO.
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending