1–2 minutes

Sumuko sa mga awtoridad ang isang siyam na buwang buntis na amasonang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Lanao del Sur.

Ayon kay Commanding General Major General Antonio Nafarrete, ng 1st Infantry “Tabak” Division ng Philippine Army, ang sumukong amasona ay kinilala sa pangalang “Ka Janella.”

Si Ka Janella ay sumuko sa 103rd Infantry “Haribon” Brigade ng Philippine Army, sa pagpupunyagi ng 55th Infantry Battalion at ng mga intelligence units sa Lanao del Sur.

Ayon kay Gen. Nafarrete, si Janella ay miyembro ng squad medic ng Platoon Mercedes, sa ilalim ng Sub-Regional Committee 5 ng North Central Mindanao Regional Committee ng komunistang NPA.

Ibinunyag ni Janella na nakapagpasya siyang sumuko dahil matinding kahirapan bunga ng walang patid na opensiba ng militar sa lalawigan laban sa mga komunista.

📸 PAO, 1st Infantry “Tabak” Division, Philippine Army



Contact #: 09171180238




August 2023
S M T W T F S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending