1–2 minutes

Sa pinagsanib na pwersa ng 1st QPMFC at 59th Infantry Bn, narekober ang dalawang improvised explosive devices, dalawang baril at sari-saring bala sa kagubatan ng Brgy. CastaΓ±as, Sariaya Quezon ngayong araw, Agosto 18, 2023.

Sa bayan naman ng Catanuaun, isang kalibre .45 pistol na may isang magasin na may lamang bala, isang rifle grenade at explosives materials ay boluntaryong isinuko sa pinagaanib na pwersa ng 2nd QPMFC at 85th Infantry Bn ng isang dating myembro NPA.

Ayon kay Police Colonel Ledon D Monte, Provincial Director ng Quezon PPO, ang mga narekober na armas at gamit pandigma ay pag-aari ng teroristang grupo na STRPC o Southern Tagalog Regional Party Committee.

β€œAng pangyayaring ito ay bunga ng masidhi nating kampanya na mapanatili ang Lalawigan ng Quezon na malaya sa impluwensya at presensya ng mga terorista. Kung kaya hinihikayat natin na kung mayroon pang mga natitirang kaanib ng makakaliwang grupo ay sumuko na at tanggapin ang programa ng gobyerno at manirahan sa isang mapayapang pamayanan ,” dagdag pa ng Probinsyal Direktor.

(Quezon PNP-PIO)

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect
#TeamPNPKakampiMo
#TeamPNPCALABARZON



Contact #: 09171180238




August 2023
S M T W T F S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending