1–2 minutes

Kulungan ang bagsak ng isang rapist na tinaguriang Regional Most Wanted Person matapos itong mahuli sa operasyong ikinasa ng Bauan Municipal Police Station kasama ang Regional Intelligence Unit 4A Provincial Intelligence Unit Batangas, 3rd Maneuver Platoon 2nd Batangas Mobile Force Company, at Batangas Maritime Police Station, Special Operations Unit 3 noong 5:15 ng umaga sa Barangay Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite.

Kinilala ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte ang akusado bilang si Jimmy Paglinawan y Vallanta, 50 taong gulang, may asawa, laborer, tubong Occidental Mindoro at kasalukuyang naninirahan sa, Trece Martires City, Cavite.

Naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 4, Batangas City na may petsang Nobyembre 18, 2021 para sa kasong Rape.

Ginahasa ni Paglinawan ang biktima noong 11:00 ng umaga ng Agosto 5, 2020 sa Bauan, Batangas. Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Bauan Municipal Police Station.

“Masusi pong nagtatrabaho ang ating kapulisan ng Batangas upang matugis at mahuli ang mga may pananagutan sa batas kahit nasaan man silang lugar upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng Batangas” – PCOL BELMONTE
###piobatangasppo###
###TeamPIO###



Contact #: 09171180238




September 2023
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending